Sunday, October 17, 2010

101610

Tumblr Meet Up @ Seaside

i just got the photos that i'm included. so, there..


with Louie, Allen, Kate, Methz, Meeee, Jolo, and Mikee.:))


i'm proud to say that these people are my friends. uber COOL.:))

***i'm so lazy to make kwento! i am sorry.:( but i'm happy to see them again. ha!

my sister kasi, she don't lend me her digicam.:| kaya these were the only pictures I had.:(

Friday, October 15, 2010

18th

Boitday ni Tam. Kumain kami sa Shakey's kaming pamilya (minus ang mag-inang nasa Pampanga.:D) sa may SM Centerpoint.

Syempre kaya wala ako dito, ako ang kumuha ng pic na to. (Si dadi di nakatingin.D;)















Naging maayos naman ang celebration ng boitday girl na si Tam. Spoiled eh. Kaso di pa nya nakukuha ang hiling nya. Ewan ko lang kung bibilan talaga sya ng cellphone.


Tawa ako ng tawa sa mga oras na yan. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganun. Eh sa totoo lang i am sad. LOL.

Anu ba ang mga naganap? Di ko na maalala. O ayaw ko lang talagang magkuwento. Err, ganun nalang nga siguro.:(

:D

Thursday, October 14, 2010

Tam




















Birthday ngayon ni bunso at alam ko sa part nya na masakit malaman na walang syang handa. O paeklat lang yung nila Mommy?? Sana naman pagbigyan na sya na magkaron ng bagong cellphone kahit at some point naiinggit ako on my part pero syempre mas natutuwa kung matutupad ang kahilingan nya.:)

Disi-otso na sya. Oo, 18 lang yan. Mas muka pa akong bata sa kanya. HAHAHA.

Sana magkaboyfriend ka na. Wag mo na kaming hintayin ni Ate Erika na magkaron kasi mukang malabo ata na magkaron kami nyan. HAHA.

Pagpasensyahan mo na si Ate kung di kita mareregaluhan. Kung di kita nalilibre. Ayoko naman mangako sayo na balang araw may ganto o ganyan ka sa akin. Tignan nalang natin.:) At sana magkawork na ako para matikman mo naman ang katas ng sweldo ko.:)

Salamat ng marami sayo. At kahit hindi ko naman sabihin sayo, mahal na mahal kita.:p Tangina, napakacheesy.XD

Wednesday, October 13, 2010

~*Fr!3nD$+3r*~













Dahil wala akong magawa ngayong gabi at pinag-uusapan din kasi namin to ni Nick ang friendster, ayan binisita ko yung aking acct. HAHAHA. Actually 2nd acct ko na to eh. Binura ko yung 1st acct ko(Nov 2003), dahil marami nakong friends dun, ayun binura ko. Tanga lang diba? HAHA.

Anyhoo, ano nga ba ang nakakamiss sa Friendster?

  • SURVEY. Ang Bulletin ay punung-puno ng kung anu-anong survey.
  • IMEEM PLAYLIST. (atbp. pang playlist.lol) Yung tipong pagpunta mo sa isang page tutunog na yung tracks ka agad. Every week nga non iba iba ang playlist ko since may acct. ako sa Imeem nun. (Ngayon ko lang nalaman na nabili na pala ng Myspace ang Imeem.)
  • I’m a Fan of../Groups Ngayon ko lang napansin na naadik din pala ako sa Twilight Series. Sila ang pumuno ng Fan Page Corner ko. HAHAHA.
  • Testimonials. Sino ba ang walang testi? Lalo na yung ~*umiisparkle*~ na testi lalo na pag birthday mo. Longyo lang.
  • Layouts. yung background ng acct mo. Nu ba.
  • Who Viewed Your Profile. Walang kawala ang pagsto-stalk. Ha! Buti nalang wala ng ganon sa Facebook. :)
  • ~*J3j3m0ns*~. Yan ang naging lungga nila, nung di pa sila expose sa media.
Sayang ang Friendster, sikat na sikat dati. Lahat nahuhumaling dito kagaya ng Facebook ngayon. Ganyan talaga, pana-panahon nga naman. Minsan sikat ka, minsan pabagsak ka na.

So long, Friendster. You'll be missed.

Away Gulo

Ale 1: (sumigaw) ARAAAAAAAAAAY!!!
Ale 2:
sorry po. di ko sinasadya.
Ale 1:
tangina na naman kasi eh, di nag-iingat!! ano ba!
Ale 2:
(napahiya ata, nilakasan na ang boses) sorry nga po. pwede naman tanggapin diba?
Ale 1:
di kasi nag-iingat, bwiset na buhay to oh!
Ale 2:
(napikon na din ata) kung ako po sa inyo, kung nasisikipan kayo at mainitin ang ulo nyo, advice lang.. WAG KAYO MAGMRT!!!
Ako:
(sa isip) oo nga naman. lahat tayo nahihirapan at gusto mapadali ang byahe.
Ale 1:
ang sakit kasi ng takong mo, papakita ko pa xray ko sayo eh!!
Mga pasahero:
XRay? Xray? Hahaha. Gumaganon pa! Umalis ka dito. Lahat tayo umiinit ang ulo pag nasa MRT. Magtaxi ka kung nasisikapan ka. Arte nito.
Ale 1:
(nagwalk out) MGA BWISET KAYO!!
Ako:
(sa isip) ayy walang breeding si ate.
Ale 2:
Oo, mayaman kasi kayo..
-----
KAIRITA TALAGA YUNG MGA GANTONG PASAHERO. NAKAKAINIS LANG MASAKSIHAN ANG GANYAN SA LOOB NG MRT, KE-AGA AGA ANG DUDUMI NG BIBIG. -_-

Kariman

Ikukuwento ko nalang nang nakabullet ah?

  • Gumising ng 5:30 pero bumangon ng mga quarter to six.
  • Inaayos muna ang gamit bago maligo.
  • Hindi inaalintanang malelate ahh, ang kupad pang kumilos.-_-
  • Alas syete na nasa bahay pa din ako.
  • Almost 8 nako nakasakay ng MRT.
  • At may gulo pang naganap. Ibablog ko mamaya.
  • Mamamatay nako sa gutom, ang kupad ng tren.
  • Dumaan muna sa Mini Stop at trinay ang Kariman, infairness masarap. Sa presyong 20php not bad.:)
  • Malelate naman din ako, eh sarapan ko na ang pagkagat sa kariman! hahaha!
  • 9:02 ako dumating sa Pancake House, napagalitan pa ni ateng receptionist. Ampupu.-_-
  • Ang bilis, mga ilang minutes tinawag nako for my interview.
  • PUTANGINAAAAAAAA, nakakakaba.:|
  • Bahala na kung ano lumabas sa bibig ko.
  • Uhm, Err, Ahhh.. Sheeeeeeeeeet. kdjvjfb njeobw!!!
  • Ma-inspire ka naman Alelli sa mga sagot ko pleaseeeeeeee.:))
  • "Uhm, i'll inform you by friday is that okay with you?"
  • "Ahh,, what? WHY NOT NAO FOR MY OWN SAKEEEEEEEE!!!"
  • sa isip ko lang yan. hahaha.
  • "Okay" *flashes a smile*
  • Oh.. Di ba pag ganon, alanganin na?:|
  • Bahala naaaa. 
  • Samantala..
  • Maaga pa naman, puntahan ko na din ang PR Travel Consultants sa may Manila Pen.
  • NagMRT kahit isang station lang. Sayang. Wala kasing FX. Uhhh sabagay, ganun din pala ang presyo. HAHAHA.
  • Ayun pinagpasa lang ako ng Resume as i expected.-_-
  • Umuwi na kahit gutom na gutom na at tinatawag na ng kalikasan!!
  • Saktong 12 nasa bahay na.:)

OH TAPOS? Wala lang. LOL.

Sunday, October 10, 2010

10-10-10

Isa sa mga gusto ko magawa sa buhay ay makasali sa isang marathon na makakabenefit sa kapwa o sa kalikasan. At nangyare na nga yun kanina.

for the benefit of Pasig River. At an attempt na makapasok sa Guinness Book of Records.

Kasama si Rachel, nakitulog kami kila ate Fannie at Jade sa Makati at umalis nalang ng maaga kanina. Actually saling pusa lang ang pagtakbo namin. Kumakatawan kami sa San Juan City na kabilang ang aking ina. Isa kasi syang guro sa hayskul at isa sya sa mga magbabantay sa mga un.:)

Ito ang mga kuha namin magkapatid.:))

with ze globe.


meeee.:)

sa 3K lang muna, ok??

wala pa sa halfway.:)


mga anak ko. XD


may natanggalang ng swelas. HAHAHAHA.


FINISSSSSSSSSSSH. after 30minutes? ahahaha

meeeee ulit.:p

Tam.:)


number. naks.:)

Thursday, October 7, 2010

Eat, Pray, What

Kahapon, dahil katamad nang sumipot sa Ameinri Agency na yan since nakakapikon sila sa pagiging organize hahaha.. Nayaya ko si Brends na manuod ng Eat, Pray, Love. Dapat sa trinoma kami, since 190php ang sine doon lumipat kami sa SM North. At eto pa, less 50php ang EPL doon. Oha!! Nakatipid.XD

What can i say about the movie??? I MISS JULIA ROBERTS!!! Nakakastarstruck syang makita muli sa pelikula. Paano pa kaya kung nakita ko sya in person? PATAY NA! Bagay na bagay talaga sa kanya ang role as Liz Gilbert. :)

Eat tackles about Italy! Kung gusto nyo daw pag-aralan ang isang bansa kagaya ng Italy start from the food. And they speak with their hand gestures! Nakakaenjoy yung part na yun. Ang OA pala nila sa paggalaw ng mga kamay nila. At malaki ang break nila. Mahaba ang araw para magsiesta. At nakakainlove tuloy pumunta dun. Promise, gusto ko talagang makapunta dun. Someday, makakatapak din ako don.:)

Pray - India. Meditation. Surrendering yourself to God, yan ang natutunan ko habang pinapanuod ko ung movie. Always give time to talk to God. Wala naman tutulong sa atin kung hindi Siya.:) Kainis lang parang minadali yung part ng India sa movie.:|

Be Loved in Bali. Nahanap nya muli ang pag-ibig nya sa bansang to. "Everybody needs a love affair in Bali", wow parang gusto ko tuloy pumunta doon baka doon ko makita si Mr.Brightside. Hahaha!

Btw, here's some of our pics..:))

our tickets.:p

my partner in crime, Brends..:)


kaaaalat namin kumain..


seryoso nga kasi sya. hehe..


ako po yan. :)


ibang pwesto naman.:)


muka akong lalaki. Arghhh~

Wednesday, October 6, 2010

Q-U-I-T-T-E-R!!

So I quit again. This time for my chance to work with Atlantis The Palm, Dubai. So here's the story: My mom gave me an email address for me to send my CV to a "no placement fee" job abroad last week. Before the week has ended, I send my CV wishing that they'll call me ASAP. Little thing I know, they informed me via text that I'll have a Final Interview for tomorrow. (yes, that's today actually!) So I was so frantic about the news. Thanking God for opening me another opportunities, another window to prove that I still have chance.:)

It's my second time to go to that agency, the Ameinri Agency. The scene that I saw was not new to me. But this one was way hella not-so-organized as an agency should be. I am disappointed. They need to know the meaning of methodicalness.

It's almost 12, I'm not yet called. I'm so freaking starving and I just can't let it pass my starvation. Or else, say hello to acidity. Mr. Ulcer will definitely endure in my tummy.:| 

So there, I quit. I just close the window of opportunity for me to work abroad. Mommy will surely kill me if she discovered this little dirty secret that i have.:((

Oh before that, here's some photos that I've got while waiting for my name to be called..

List of job vacancies. One day interview?? 

ze agency.

Lookie, the cutie who's keep on checking on me. HAHAHA. HNGGGG~

Monday, October 4, 2010

364

Imimbita ako ni Bem na sumama sa get together nila, mga kapwa Partners itong darating na Martes, sa Red Box TriNoma. Ayy di pa pala ako sigurado kung get together yun ng mga naging kabatch ko sa Sbux, kutob ko lang. Pero parang ganon na din eh. Napagtanto ko kasi na mag-iisang taon na sila bilang partners. :) Ito ang mga iniisip ko sa simbahan kaya di ko masyadong naintindihan ang sermon ni Father.

Grabe lang, 9months na pala akong tigang dito sa bahay.:| Para lang ako nagdalangtao. Ewan ko ba, bakit ako nagkakaganito. Bakit naduduwag ako sa mga biyaya (na sana) na pinagkakaloob na sa akin. Ang dami na ding araw na nagdaan, nasayang at lumipas heto parin ako nakatambay sa harap ng kompyuter. :|

Sa totoo lang, namimiss ko ang pagiging barista.:) Ilan dito ay ang mga..
  • libreng drinks sa mga break
  • ang paghuhugas ng mga kung anik anik.
  • ang pag-aayos ng pastry
  • ang pagkocallout.
  • ang paggawa ng caramel macchiato.
  • ang paglilinis ng bar
  • ang pag-uwi ng umaga dahil sa inuman sa Garahe.
  • ang pagstay sa store para hintayin ang mga closer.
  • ang apron, cap, at shirt ko.
  • ang tawagang "Bok" sa floor.
  • ang pagbisita ng mga tumblr friends ko sa akin.
  • ang buong establishment
Sana kontakin na nila ako. O kaya naman kumapal na muka ko, puntahan ang T2 at idemand na ibalik nila ako. Joke lang. Pero sa totoo lang, gusto ko bumalik. :)

Grabe lang, di pa din ako makapagmove-on. :(

Sunday, October 3, 2010

Paumanhin

Ako'y humihingi ng tawad sa iyo dahil di nakapagblog ng ilang araw. Nilangaw ang Setyembre ko dahil sa kabaliwan ko sa taong to..

gwapo nya noh? kaso di nya ako type eh.:| pero ayos lang. gang magkaibigan lang siguro talaga kami.:D okay na ako sa ganon. kahit hanggang doon lang muna. :)