Tuesday, April 26, 2011

GRANTED!

Kahapon, aside sa birthday ni Insan, memorable din ang araw ko kasi na-approve na ang VISA ko baby! I’m going to the USA!! Yes! Though 1yr lang ang magiging kontrata, happy ako at makakapagtrabaho na din ako after ilang months na papetix-petix lang. Nakakainis lang kase, alam mo yung number mo na yung susunod tas biglang nag-announce na may 30-minute break ang mga consul? Oh diba nakakapanghina lalo! Kasi pumunta ako dun ng walang laman ang tyan. Ayoko uminom ng kape baka lalo akong kabahan. Ayokong kumain baka bigla akong makaramdam ng tawag ng kalikasan. HAHAHA. Kaya pumunta ako dun with red lipstick (Hrhrhr), kunwari confident na confident talaga though nagkalabo labo na ang mga nasa isip ko. Nabablangko ako at parang gusto ko pang matulog.

Parang isang oras ako naghintay! Nakaidlip nako’t lahat wala pa din announcement na resume na ang interview. Tapos gutom na gutom ka na at the same time kumakabog ang dibdib mo, parang kang natatae sa kaba siguro epekto ng walang laman ang tyan yun. HAHA. Lutang na lutang ang feeling.

At 10, nagflash na ang number ko. Nagkatotoo naman yung hiling ko na matapat ako sa cubicle 10! Muka kasi syang mabait at KAMUKHANG-KAMUKHA NYA YUNG DOCTOR NI LILY SA MODERN FAMILY! That Asian Lesbo Doctor. =)) After 15minutes, kinuha nya ang passport ko at sinabing imamail nalang nya yung visa ko na naka-attach dun.

HALATANG FIRST TIME: Tinanong ko sya kung kailangan nya yung picture ko na naka-attach sa confirmation slip, hindi na pala yun kukunin! Kalurks lang, di ko naisip na once sinagutan mo yung DS-160 ( US VISA Application Form) dun na kukunin ang litrato. Kaya pahiya ako.-.-

Lumabas ako ng embahada na nakasimangot. ARTE KO LANG YUN PARA PAKABAHIN ANG MGA MAGULANG KO NAGHIHINTAY SA AKIN! =)) Pero fail din kasi di ko maitago ang pagkagalak ko na ibalita sa kanila. Nagthumbs-up na ako kay Daddy na sign na approved na ang VISA. :”>

———

Daddy: Akala ng Mommy mo denied ka, nakasimangot ka kasi paglabas.

Mommy: Akala ko sayang ang 6thousand at di ako nakatulog ng maayos dahil dito!

———

Hay naku, kung alam din nila na ang lumalaro sa isip ko na sana di ko sila madisappoint at yun nga, hindi at feeling ko proud na proud sila sa akin!:”>

Salamat pala sa mga taong nagdasal at naniwala sa akin. Iilan lang silang nakakaalam kasi ayoko pangunahan ang mga mangyayari.:)

Friday, April 22, 2011

K-kinda busy~

May halong stress at excitement akong nadarama sa pag-aasikaso ng Internship program pero ang nakakastress lalo, ang pagdating ng araw nag aking interview sa US Embassy. Sana talaga, mabiyayaan ako ng VISA. idinededicate ko ito sa aking ina na ang laking pagod ant stress din ang natamo sa gulo nyang pinasok. HAHAHA.

iuupdate nalang kita blogspot soon ah? :)