Kalahating buwan na ng taon.
Eto pa rin ako, walang trabaho.
Araw-araw,
Internet lang ang inaatupag
Kailan kaya maiisipang
Gumalaw upang
Maghanap ng pagkakaabalahan
Minumura na ang sarili
Nabwibwiset na sa mga nangyayare
Hanggang kailan ba akong
Magtitiis sa gantong imahe.
Maraming nais makamtan
Maraming nais bilhin
Pucha tine, try mong sipagin
Manalangin.
Siguro dahil sa hindi ako marunong magdasal
Hinahangin ang isip ko kapag
Nasa loob ng simbahan
Kung makahingi naman
Daig pa ang holdaper sa pagkademanding
Paano ho ko ba kayo pasasalamatan?
Mali po ba ang ginagawa kong pagsasambit?
Hindi na po ba ako nakakabuti sa inyo?
O isa na ba ako sa libo-libong
walang pakialam sa mga nailigtas nyong tao?
Sana'y bigyan Nyo po ako ng isa pang pagkakataon
Na maipamalas ko ang aking angking talino
Ayokong maulit ang mga nangyare na
Sa labing walong buwan na walang nangyaring maganda.
Ako po sana'y gabayan Nyo sa tamang landas
Landas na kung saan
Magagamit ang abilidad
Nakakasawa na din kasi
Ang pagiging taong bahay
Na walang inatupag kundi makipaglandian
Sa mga taong online
------
tama na nga tong kagaguhan na to. gumalaw galaw ka na tine baka ma-stroke ka in no time. grrr..:|
No comments:
Post a Comment