Nung Huwebes, nagkasabay kami ni Ate Fannie magnovena sa St.Jude, pagkatapos nun naisipang pumunta ng SM para subukan ang worth ten pesos. Kinse na pala sya. Bumili kami ng makakain sa KFC na sa bandang huli pala ay bawal magdala nang makakain unless binili sa snack bar ng cinema. Kinain namin ng fries sa may hagdanan, gumawa ng aksyon na di makikita ang burgers namin.:) Nang isusurrender na namin ang tubig na binili namin sa may dept. store. Ayun pala pupwede magdala ng tubig! Kaya tawa kami ng tawa papasok sa sinehan. Ang pinanuod pala namin yung Letters of Juliet. Worth 15php lang daw talaga yun sabi ni Ate.Biyernes, akala ko bibili na si Tam ng telepono ayun pala eh magdedate kaming tatlo nila Mary Joy dahil sumahod na sya sa paluwagan. Trinit nya kami ng McSaver Meals. At kami na ang sagot sa sine na kinse pesos ulit.:D Pinanuod namin ang American Virgin. Sa murang halaga na kinse pesos, mapupunan mo ang kalungkutan dahil sa palabas na to. O ako lang ang nakaramdam ng kaligayahan sa pinanuod namin?? Hmmm...
Sa totoo lang sulit itong pakulo ng SM ah. Halos lahat ng nanunuod yung mga magkakaibigan na gusto lang makamura sa palabas o sadyang wala na silang maisip gawin magkakibigan. Basta yun na.
No comments:
Post a Comment