Monday, March 14, 2011

INTERVIEW

Thursday (3-Mar-2011)

Tinext ako ni Ms.Olive about the interview kinabukasan. Tandang tanda ko pa na mga alas diyes yun ng umaga, nag-iinternet ako tapos out of nowhere bigla syang nagtext na may screening ako with Ms.Fiona of Intrax. NAtense ako, nag-unli ako bigla at tinext ko siya for confirmation!

Nagsimba ako sa St.Jude, at walang sawa ako nagpasalamat sa Diyos!:p THIS IS IT!! YEEEEES! Tas habang naghohomily, lumalaro na sa isip ko kung ano ang gagawin ko. Via skype kasi ang interview, eh wala akong webcam, balak ko sana bumili pero nakakahiyang makita ako dito sa bahay na nag-eenglish..LOL nakakadyahe lang! Naisip ko ring pumunta kila ate Lahnie since may laptop sya. Hehehe at malaki ang house nya, pwede akong magtago sa iba nyang kwarto.

After ng mass, ang gulo pa din ng isip ko. Pinapapunta nalang ako ni Ate sa kanila. Di ko pa naaayos ang gamit ko. Naisip kong pumunta sa school nila Mommy para humingi ng pamasahe. At binigyan naman nya ako ng 200. Tsk. LOL. at humirit pa ako ng pangkain ko since tom jones na ako dahil sa stress. HAHAHA!

Pagkakain ko sa Paotsin sa may Mezza, umuwi nako kaagad. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang maisip ko na tumawag muna sa FPI. POSTPONED ang interview!! Sa Sabado nalang daw! YEHEEEEEY! THANK YOU LORD!!! Wala kasi ako sa ulirat din bumyahe. Tinext ko nalang sina Ate na bukas nalang ako uuwi. Ayos~

FRIDAY (4-Mar-2011)

Pagkagising ko, nakaset na ang mga gagawin ko. Will do some research for the Intrax at manuod ng clips about sa mga interviews. HAHAHA!! Kinarir ko ang pagreresearch, kahit sobrang sakit na ng mga kamay ko kakasulat!

Mga bandang 7 na kami umalis. Jampacked pala kami papunta kila ate. Syeeeeet malalaman nila ang mga balak ko sa buhay! (o ako nalang ang di nakakaalam na alam nila?psh!)

Mga 11 na kami nakarating. Di ko paring narereview ang mga pinagsususlat ko! Tumawag pa sila Alwyn, at kung anu ano ang kadramahan ang mga sinasabi. Nalaman ko rin na may GF na si Gab na nasaktan talaga ako sa balita. LOL.

Almost two na ako natulog, di pa buo ang mind ko sa magaganap na intervew, kaya kahit natutulog ako feeling ko pinaparactice ko ung skit ko. HAHAHA!!

SATURDAY (5-Mar-2011)

Bumangon ng 6am kahit gising na ako sa inalarm kong 5:30. LOL Kabado kasi ako eh. Nakakainis, ang dami ko pang kaekekan na ginagawa.

Mga alas syete, naisipan ko nang maligo. Kahit naliligo pinapraktis ko ang sasabihin ko. HAHAHAHA.

Kumain lang ako ng hotdog, isa lang. Para kasi akong natatae sa nerbyos pero hindi talaga!

Mineykkapan din ako ni ate Erika, at maya maya bigla nang tumawag si Fiona. OMGEEEEEEE

THE INTERVIEW

Mga past ten na ako nainterview talaga! Parang tanga ko lang kasi, nahinaan ko accidentally yung mic. HAHAHA kaya imbes na tapos nako ng mga 9 eh 10:30 na ata ako natapos. Hindi ko na alam yung series ng interview. Basta naalala ko lang ang mga komento ni Ms.Fiona na pawang mga "great" at "excellent" ang lumalabas sa bibig nya. Which is nakaka-overwhelm naman talaga!

Naging matagumpay naman ang interview, kasi ang tanong nya kung pwede ako sa tuesday night, my time. ABA SYEMPRE NAMAN!! So, 2nd interview na yun diba? I PASSED THE FIRST!! OMGGG!!

MONDAY (7-Mar-2011)

Kinarir ko ang pagsusulat. Inayos ko na nung Linggo ung mga pag-aaralan ko para susulat ko at para matandaan. Nakakapagod ata magsulat. Parang may sarili ng buhay ang kamay ko. Hehehe. Mabuti nalang nilagay ko na lahat sa notepad ang mga facts sa mga lalabas na tanong kasi sa baba kami natulog.

TUESDAY (8-Mar-2011)

Bale nagpaiwan ako, eh wala akong choice kundi magstay kila ate eh. Wala parin kasing charger ang laptop namin. KAINIS LANG! Naging maayos naman ang interogasyon. Oo tamang tanong tanong lang si Ms.Diana Stearn at di man lang umabot ng 5mins ang interview. Okay nadin siguro yun, papanalangin ko nalang na papasa ako!:)

Ang gugulo lang nila Dana nung nalaman nilang tapos na ang interview ko. Hiyawan dito hiyawan doon. Nalaman kasi nila through twitter ang interview ko na tapos na. HEHEHE.

Sana maging maganda ang resulta this week. Para THIS IS IT!!







No comments:

Post a Comment