kanina habang nanunuod ako, pinagmamasdan na ako ni mama. hanggang sa tinitigan ko na din sya ukol sa di nya pagkurap..
K: bakit?
M: wala lang. kamusta ka?
K: (nagtaka) huh?
M: kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?
K: ahhh.
M: ano nalang kaya.. mag-aral ka nalang kaya ulit.
aba aba aba. natuwa naman ako sa nasabi nya. gustung gusto ko mag-aral nung isang taon pa, nung pagkagraduate. gusto ko mag-aral ng abogasya pero pinigilan mo ko kasi sabi mo gastos un. GASTOS. eh lahat naman sa buhay ay may katapat na pera.
hanggang sa may karugtong pa pala ung sinabi niya..
M: mag-aral ka nalang kaya ulit. hmm kumuha ka ng kurso ng pagtuturo. magturo ka sa mga gradeschools. malalaki na sahod ng mga teacher lalo na sa public.
K: (patuloy sa panunuod)
M: huy ano?
K: ayoko.
the end.
ma, sana nagtanong ka pa. sana tinanong mo kung ano talaga ang gusto ko para sa ganon alam mo kung ano ang nasa isip ko. kung ano talaga ang sinisigaw ng puso ko. alam natin mahirap maghanap ng trabaho dito eh kung pinayagan mo na ako mag-aral ng gusto ko talaga di sana di ako nagkaganto o di naman kaya kung pumayag ka ng mag-abroad ako di sana nakakatulong na ako sa inyo. kaso lahat ng nasa isip mo panay, gastos gastos gastos. kaya di tayo umuusad eh kasi iniisip nyo agad yun. bakit hindi nyo isipin ung ikabebenifit natin?
wala na. tatanda nalang ako ng wala man lang nagawa para sa sarili ko at higit sa lahat sa inyo.
:|