Friday, September 3, 2010

Winelcome Rotonda

Kagabi tuwang tuwa pa ako kasi malapit lang yung interbyu na pupuntahan ko, but then again i was wrong. Sa kadahilanan na mali ang directions na naitext sa akin kahapon. Ang sabi pa malapit sa welcome rotonda. Malapit sa may BPI. Syempre ako naman ay sumunod sa naintindihan ko. Bumababa sa may Jollibee since yung establishment na yun ang agad kong alam pag sinabi BPI Quezon Ave. Ang hindi ko alam eh may BPI pala North Bound. LECHE LANG.

Hinanap ko din naman kasi ang bldg ng manila hearing aid pero nagbase pa din ako sa BPI a kitang kita ng mata ko. Sa sobrang inis, naglakad ako hanggang blumentritt to think may mini stop din naman sa may pldt. GAGO LANG DIBA? >_<

Pag bad vibes ako, ICE CREAM ang solusyon.:) Especially pag sa mini stop pa. Mabuti nalang ay naibalik na yung Hershey Chocolate ice cream. Hehehe. Dark Chocolate version into ice cream. GOOD TIMES. :))

Haaaayyy sayang talaga ang araw today. Pumunta kaya ako sa Monday dun tutal alam ko naman na ang papunta? Parang bad impression nako agad.:| Ang tanong Tinay, tatanggapi n ka na ba at ganyan ang bilib mo sa sarili mo? THINK ABOUT IT!.

No comments:

Post a Comment