Friday, September 24, 2010

FML = Friday, Malas Lang

TALAGA ako siguro.:|

kaninang umaga, wala na naman ako sa tamang katinuan. hinihila ako ng aking sarili na matulog nalang ulit pero kailangan kong pumunta sa Teriyaki Boy para sa aking interbyu. walang tubig yung mga oras na maliligo ung kapatid ko. nasabi ko sa aking sarili, "ahhh parang nung interbyu ko lang sa Starbucks nung isang taon ahhh. baka ito na nga to." nakangiti kong naalala ang nakaraan.

namili ako ng magandang damit para dito, syempre para maimpress naman sila. at inaral ko na din sa aking isipan ang mga sasabihin ko sa interbyu. kabado pero kailangan harapin eh..

kasabay kong umalis si Tam. chill chill lang akong bumabyahe. iniisip ko ulit ang mga sasabihin ko para sa screening.

naligaw pa nga ako eh. nilakad ko na ang kahabaan ng pasong tamo eh sa extension pala ako pupunta.

at narating ko na ang PANCAKE HOUSE!! :))

excited ako sa totoo lang kasi one step forward nako sa kagustuhan kong mag-abroad, hanggang sa..

"ay Miss, may pangpatong ka ba jan?? bawal yang damit mo sa loob." ani ng sekyu.

"ay ganun po ba? osige aalis nalang po ako..", sambit ko. nalugmong-lugmo.

YUN NA EH, naging bato pa. Sayang sayang. SANA TAWAGAN NILA AKO ULIT. :(( kung hindi man, babalik nalang ako next week at hindi na sa suot ko para mang-impress kundi para sa ikabubuti ng hinaharap ko. :))

Lord God, sumablay na naman ang anak nyo. Sorry po.:|

I'm now one step closer to the cliff. Amp.:|

-----
salamat nalang sa pangpaGV ko sa mga oras na yun..
  • Glee songs from the episode, Audition
  • Hershey's Dark Chocolate Ice Cream from mini stop
  • California Maki Twister.
nakakakunsensya pag tinanong ako ni Mommy. Oh anong nangyare sa interview mo?? (FACE PALM!!!)

No comments:

Post a Comment