Monday, December 27, 2010
Friday, December 24, 2010
Happy Holidays!
Wednesday, December 22, 2010
Cook..look!
Monday, December 20, 2010
Nakakasad.
Magna
Sunday, December 19, 2010
Friday, December 17, 2010
Seventeen

- Pagkabigay na pagkabigay ni Erpats ng 3K, dumerecho kami ng kapatid ko sa Divisoria. HAHAHA.
- Inabutan ng ulan.
- Nakipag-away sa barumbadong nagmomotor nung patawid sa Abad Santos. Pinakyu ako eh, nakaharang daw ako. Eh kamusta naman naka-stop kaya tapos aarangkada sya! Aba, di ako pumayag sa kagaguhang asal nya, “pakyu more!” sabi ko, para quits!
- Bumili ng kung anu-ano. Pinatos ang buy one take one shirts. HAHA.
- Napagod. Kumain sa Mang Inasal. Punyemas, 30minutes bago dumating order lipas na gutom ko. Naka-round 2 lang tuloy na unlimited rice. Haaay.
- ANG PUTIK SA DIVISORIA! Nakakahayblad mglakad. Asdfghjkl!!!
- Isang oras na natrapik sa Avenida. Puti na mata ni Ate na naghihintay sa may UST.
- Pasadong alas syete nakarating sa Uste, lupaypay.
- Lakaran ng lakaran. GANON LANG BA TALAGA DUN??
- Nagalit si Ate na Alumni, di daw sya nakapagpaic sa “UST”. LOL tagal kasi namin.XD
- Piktyur piktyur. Libot libot. Wala naman akong nakitang kakilala. HAHAHA. Saaaaad.:|
- Naisipang umuwi ng mga alas nwebe. Pagod eh. Dumami na ang tao. Pfft.
- Alas diyes nasa bahay na.
- Pagkapahinga naming tatlong magkakapatid, si Ate pakwela pa! Pinapili pa kami sa mga kamay nyang nakasara. Pinili ko left.. At eto ang nakuha ko..

- WAHAHAHAHA!!! Ang babait ng mga tao ngayon. Paparty na ako nito bukas! Tara?
Thursday, December 16, 2010
Monday, December 13, 2010
Lewang
Tinext ako ni Aliw:
Tine, gora ka na sa Saturday ha, aketch na bahala sa fareness mo.. hehehe. akin ka sa saturday! mwah.:*
Uhh.. ehh..
Isang linggo ng punung-puno ang messages ko, dahil sa gustong mangyare ng mga barkada ko nung college na magkaroon kami ng reunion. YES REUNION! Magtatatlong-taon na kaming graduate at pare-parehas mga walang trabaho. HAHAHA! Nasense ni pakner na ako lang ang hindi nagrereply sa mga mensahe nila. Hindi sinasagot ang mga tawag nya. Well actually, ang ganda kasi ng ringtone ko eh, pocketful of sunshine. Hehehe. Sasagutin ko na sana, kaso nahuhuli ako lagi. LOL.
Nahalata nya na umiiwas ako, wala kasi akong bread. Punyemas yan. (What’s new, Tine?) Ayoko lang sabihin sa mga may kaya kong classmates ang “alibi” ko, kaya mas pinili kong wag magreply. Tapos makikita ko yung text ni Ma’am Hernandez (haha prof na kasi sya.LOL) naka-ALL CAPS pa ah na pumunta ako sa Saturday. Siya na daw bahala sa akin. WOW. Hahaha, nagalak naman ako.=))
May pinoproblema pa ako, kailangan daw naka-dress. Tipong summer dress daw hindi yung mga pang cocktail. Eh wala akong dress! Hindi ako nagdidress.Mukha akong bakla pag nakadress. Nagmumukha akong hanger pag naka-dress!
Syet lang, ang aarte nyo talaga! Bahala na sa Sabado. Excited nako. Hihi. <3
Define Atat.
Daddy: o kamusta ang inaapplyan mo?Ako: Huh?Daddy: ano palya na naman?Ako: (ANO!!!??) Ahh yun, wala pang tawag eh.Dadddy: Wala pa bang offer?Ako: meron, pero di ko tinanggap eh.Daddy: bakit?Ako: eh front desk yun eh.Daddy: sana con.. con.. ano nga ba yun?Ako: Concierge.Daddy: bakit hindi nalang yun?Ako: parehas lang yun. saka mahirap daw yun ehh.Daddy: ahhh sabi ng kaibigan mo?Ako: oo, at..Daddy: walang tip.Ako: (alam nyo pala eh..) oo.Daddy: eh bakit di ka nya ihanap, di ka maghanap.Ako: di ko trabaho yun. Sila gagawa nun.Daddy: eh pano na yan, gang ngayon eh wala naman pala.Ako: edi maghihintay.. (saka sana po wag nyong isipin muna yan, ok?)
Blogspot > Wordpress

Sunday, December 12, 2010
What God wants..

(1)
Saturday, December 11, 2010
Girly
kanina, nagpunta kami sa Divisoria. namili ako ng mga kakaibang damit na tipong di ko kayang isuot sa unang pagkakataon. hahaha. pero susubukan ko nang bumili ng mga ganong klaseng damit simula ngayon, ano ba dalawampu't tatong gulang na ako, kailangan ko ng pagbabago at umarte ayon sa aking tunay na edad! hahaha.

Monday, December 6, 2010
Condom
- Last week, nung umuwi kami ni Rachel galing kila Ate Fannie naabutan ko si Nanay Auring na kausap ni Mommy. Naririnig ko ang usapan nila na patungkol sa pag-iintern ko. At first, medyo naiinis ako. Kung bakit agad kinukwento ang mga bagay na wala pa nga sa kalagitnaan ang mga na-aaccomplish ko! LAKING BWISET KO TALAGA! Pero makalipas ang tatlong araw (ata o apat), sinabi sa akin ni Mommy na pinahiram na kami ni Nanay ng titulo. ZOMERGER!! YUN PALA AYUN OH! Laking tuwa ko naman at bukal sa looban ni Nanay tumulong.=)) One down, mga pre! ONE DOWN! Woot!
- May pinoproblema pa ako. Paano pala ang 5K USD? Pero nito lang, mga alas ocho o alas nwebe ng gabi, habang kausap ni Rachel sila Ate Lahnie sa telepono, etong si Mommy (sha ulet?hehehe) binalita sa akin na sinabi niya kay Ate Lahnie ang mga kakailanganin kong pera dito sa training na ito. Ako naman ay nagalak ng todo todo! Hindi ko alam kung yung sa 5K USD sya mag-aabono muna o yung pang airfare ko. Pero syempre sa akin, malaking tulong na yun!! Pinapangako ko na babayaran ko sya balang araw! Medyo naluluha na ako kanina ah! Nakaktuwa lang, at iba pala ang naiisip ko na baka di sumang-ayon sila dito sa balak ko. Yun pala todo ang suporta nila sa akin!:)