Monday, December 20, 2010

Magna

Grabe ang nangyare sa akin kahapon. Natapos kami mag-confe nila Gab at Alwyn ng mga alas singko. Tapos yung tyan nag-aalboroto ng sobra sobra. Eh di syempre di ako nakatulog ng maayos kasi UST mode si ass. HAHAHA. Naisipan ko pa man matulog sa kwarto nila Mommy kasi baka magalit si ate pag tatabihan ko sya, tapos malaman laman nya na alas singko na ako matutulog.

Nadungisan ko pa ang kama nila Mommy. Nakakainis yung ganong feeling. Uutot ka biglang lalabas. Hahaha. Actually, nakatatlong jebs ako habang magkakausap kaming tatlo eh. Minu-mute ko lang kasi nakakahiya naman sa kanila diba?

So ayun nga, di na ako nakatulog ng maayos. Nakailang palit ako ng undies at shorts. Nakakainis yung gantong feeling. Pambihira, nakakapagod. Nagising na si Ate Erika, ganto pa din ang kalagayan ko.:| Pinapakiramdaman si Wetpax pero ganon pa din sya kagalit. Bagsak na bagsak na ang mata ko, pero di ko kayang matulog dahil nga sa LBM ko.:|

Nakatulog nako ng 9am. Pigil na pigil sa pag-utot kasi baka may lumabas. HAHAHA. At nagising ng mga alas kwatro. Ramdam ko din na nilagnat ako. Haha grabe lang diba? Perstaym ata to nangyare sa akin na nilagnat dahil sa pagtatae. HAHAHA.

Napagtanto ko, kaya siguro ako nagkaLBM: 1.) nasobrahan ako ng kain ng specialty ni Nicole tapos nagjumpshot kami kagad. o 2.) dahil inuwi namin ang mga pagkain nang di nagpapaalam.

Hahaha. Lesson learned na din siguro tong nangyare sa akin. Grabe, ang sakit sa pwet ah. :|

No comments:

Post a Comment