Nakaka-overwhelmed kayo! =)) SERYOSO! Gusto kong maiyak kanina sa ibinalita ni Mudrabells sa akin. ANYARE? ANYARE? ANYARE? Srsly, ANYARE?? =))
eto ang mga naganap. let's do the recap!!
- Last week, nung umuwi kami ni Rachel galing kila Ate Fannie naabutan ko si Nanay Auring na kausap ni Mommy. Naririnig ko ang usapan nila na patungkol sa pag-iintern ko. At first, medyo naiinis ako. Kung bakit agad kinukwento ang mga bagay na wala pa nga sa kalagitnaan ang mga na-aaccomplish ko! LAKING BWISET KO TALAGA! Pero makalipas ang tatlong araw (ata o apat), sinabi sa akin ni Mommy na pinahiram na kami ni Nanay ng titulo. ZOMERGER!! YUN PALA AYUN OH! Laking tuwa ko naman at bukal sa looban ni Nanay tumulong.=)) One down, mga pre! ONE DOWN! Woot!
- May pinoproblema pa ako. Paano pala ang 5K USD? Pero nito lang, mga alas ocho o alas nwebe ng gabi, habang kausap ni Rachel sila Ate Lahnie sa telepono, etong si Mommy (sha ulet?hehehe) binalita sa akin na sinabi niya kay Ate Lahnie ang mga kakailanganin kong pera dito sa training na ito. Ako naman ay nagalak ng todo todo! Hindi ko alam kung yung sa 5K USD sya mag-aabono muna o yung pang airfare ko. Pero syempre sa akin, malaking tulong na yun!! Pinapangako ko na babayaran ko sya balang araw! Medyo naluluha na ako kanina ah! Nakaktuwa lang, at iba pala ang naiisip ko na baka di sumang-ayon sila dito sa balak ko. Yun pala todo ang suporta nila sa akin!:)
Hindi ko pala ipinabalita sa kanila na bumagsak ako sa interview nung nakaraang Lunes. Baka mapanghinaan sila ng loob. Mahirap na, baka pigilan na nila ako. Sana lang pagdasal din nila ako. Alam kong kulang tong pagdarasal ko, pero di ako mawawalan ng pag-asa na isakatuparan tong pangarap ko. Gusto kong makatulong sa pamilya ko, lalong lalo na kay Mommy na nakukunsumi na kay Daddy. Sana pagpalain ako ng MayKapal na matupad tong munting kahilingan ko. Hinding hindi ako magsasawa na sambahin Kayo, Panginoon! :) AT PAIIRALIN KO TALAGA ANG PAGTATRABAHO PAG NAGKATAON! Iset aside ang mga tukso, kailangan tumino. Eto na ang chance ko muling makabangon! YEAH, kaya ko to! SANA MAKAPASA AKO SA SUSUNOD NA INTERVIEW! MAY GOD GUIDE ME!:)
Sana bago matapos ang taon, kontakin na ako ng FPI. AT SANA MAKAPASA! Hallelujah! :P
*think positive*
No comments:
Post a Comment