Monday, December 13, 2010

Define Atat.

HAY NAKU NAMAN!!!

Nakakainis. Nakakainis dahil ang mga iniiwasang kong mga katanungan ay bigla bigla nalang sinambit ng magaling kong ama! Prinepare ko na nga ang akin sa sarili na huwag munang istressin ang sarili sa pag-iisip patungkol sa Career Training na yan, dahil naniniwala ako sa good news ni father nung nagsimba kami ni Tam nung Wednesday! Na baka kaya hindi nangyayare, kasi masyado kong hinihingi kay God ang mga gusto kong mangyare! Which is ibibigay naman sa akin yun sa takdang oras. At pinagdasal ko na din na iiwan ko na sa Kanya lahat, ang buong trust ko kung ano ba talaga ang mangyayare sa akin.

At gusto ko munang magrelax, irelax ang sarili, alisin yung mga pagkakataon na makakarelate sa Career Training ko kasi baka dahil din dun kaya hindi ako umuusad. Pero sila pala ang mas grabe! Iwas nga ako sa topic na yan eee. Si Mommy at Daddy talaga! Grrr..

Si Mommy, nung nasa Divisoria kami nung Sabado, nakita nya ako sa sweater na gusto kong bilhin at parang nabasa nya ang nasa isip ko. "Bibilhan nalang kita pag paalis ka, huwag muna ngayon.." HUH? Seryoso? Wait, saan nanggaling yun at bakit ako umayon naman sa kanya?? ANG LABO TALAGA!!! Ang point ko lang, bakit nyo iniistress ang sarili nyo dyan? I mean, bakit nyo iniisip agad agad ang mga ganyang kaganapan eh kung hindi pa nga ako kinokontak ng FPI about sa employer ko? BAKIT KAYO GANYAN??? T_T Huwag ganon, huwag muna kayo magdiwang. Nahahabag ako sa mga pangyayare. Haaaay.

Ngayon-ngayon lang, si Daddy pababa sa kwarto nila, nagstopover sa harap ko (kasi nga nagko-computer ako)

Daddy: o kamusta ang inaapplyan mo?
Ako: Huh?
Daddy: ano palya na naman?
Ako: (ANO!!!??) Ahh yun, wala pang tawag eh.
Dadddy: Wala pa bang offer?
Ako: meron, pero di ko tinanggap eh.
Daddy: bakit?
Ako: eh front desk yun eh.
Daddy: sana con.. con.. ano nga ba yun?
Ako: Concierge.
Daddy: bakit hindi nalang yun?
Ako: parehas lang yun. saka mahirap daw yun ehh.
Daddy: ahhh sabi ng kaibigan mo?
Ako: oo, at..
Daddy: walang tip.
Ako: (alam nyo pala eh..) oo.
Daddy: eh bakit di ka nya ihanap, di ka maghanap.
Ako: di ko trabaho yun. Sila gagawa nun.
Daddy: eh pano na yan, gang ngayon eh wala naman pala.
Ako: edi maghihintay.. (saka sana po wag nyong isipin muna yan, ok?)
HAY. HAY. HAY. Please, wag nyo po muna isipin nyan. Ako nga eh naiistress na dyan, gusto ko muna i-lielow eh kayo naman dyan na gumagawa na ng sarili nyong kwento kung anong mangyayare sa akin. HUWAG GANON. HUWAG MUNA. Wala pa tayong hawak na alas.:)

Okay po ba?

/na-stress ako, kailangan ilabas. HAY.

No comments:

Post a Comment