Sunday, May 30, 2010

Legaspi Vs. Naga

Ang dalawang lalaking ito ay naging parte ng buhay sa pamamagitan ng tumblr, isang blog site na kung saan ay pwede mong makausap ang mga sinusundan mong blog site. Silang mga lalaki ko (ko talaga?!) na naging malapit sa akin for the last 8 months kong pagiging active sa site na yun.

Ang nakakainis lang, naging malapit ako sa kanila to think na muntikan este na-inlove na nga, pero sadyang dinedeny ko pa sa sarili ko. Kasi naman, bakit ganun ang mga lalaki naglalabas ng motibo o interes tapos sasabihin nila na wala lang yun?! Nakakaasar lang. Sana lang kasi open sila sa mga nararamdaman nila para di nahihirapan ang mga babae kung ano talaga sila sa mga lalaki, di ba?

Eto na, sasabihin ko na ang pagkakaiba nitong mga lalaking to sa buhay ko sa internet kung bakit naging makulay ang buhay ko.:)

Ang mga katangian ni Mr.Legaspi:

1. matalino
2. magaling mag-ingles
3. magaling mag-blog
4. marunong maggitara
5. prangka syang tao, sasabihin nya kung anong nais nyang iparating.
6. mahusay sumayaw
7. masarap kausap
8. malawak ang kaisipan sa outlook ng buhay
9. magaling sa debate
10.mahusay kumanta
11.may pagkamoody lang
12.hindi pikon pero wag na wag lang titirahin ang kanyang pamilya (sino ba ang may gusto hindi ba?)
13.marunong makibagay sa mga tao.
14.mabait, kwela, korny, makulit, sweet, understanding
15.ang kulit tumawa
16.hindi katangkaran (dito talaga ako naturn-off sa kanya. sayang)
17.magaling magsalita ng pabakla.:) (nagkakaintindihan talaga kami dito.:P)
18.moody, nakakaasar lang pag ganto sya.
19.hindi marunong magluto kagaya ko, walang alam na sports kagaya ko, hindi mahilig magtanong sa mga direksyon kagaya ko.:)
20.may ambisyon sa buhay. gusto asa plano ang mga lahat ng gagawin nya.

Ang mga katangian ni Mr. Naga:

1. may angkin talento sa photoshop, at kung anu-ano pang related dyan dun sya una nakilala at kumita sa murang edad.
2. over sa confident.
3. hindi kagalingan mag-ingles pero makikita mo dun na gusto nyang matuto sa wika na yun.
4. marunong magluto. (turuan ba ako habang nagcoconfe tayo? hahaha)
5. magaling kumanta (o sige na kahit minsan nakakasuka na makinig sayo. haha)
6. emosyonal na tao pagdating sa pamilya
7. playboy, chickboy, edi guwapo ka na nyan?:)
8. mapagbigay kung ano meron sya.
9. mas matangkad sa akin. (weeee.:P)
10.walang alam na sports
11.prangkang tao, kaya laging may nakakaaway
12.talentado sya pagdating sa photoshop, html, etc
13.marunong humingi ng kapatawaran. pag alam nya talagang mali sya..magsosorry sya.:)
14. masarap kausap lalo na ang mga napagdaanan nyang problema kung paano sya bumangon
15.tawa palang nya nabibighani na ako.:)
16.takot makipagkita sa mga tao.
17.mataas ang pangarap na makilala sa buong pilipinas gayon din sa buong mundo
18.mayabang.eh may pagmamayabang naman talaga kasi.
19.mahilig sa music, sa reality shows, sa movies at kung anu ano pa. pwera lang ang pagbabasa ng libro.
20.mapagmurang tao. totoo sa sarili nya. parang ako? haha.

>Oktubre ko unang nakilala si Mr.Legaspisa pamamagitan ng aming chatroom at pinakilala kami sa isa't isa ng aking kabirthday na si Ghing. Si Mr. Naga naman etong pebrero lang sa pamamagitan ng confe sa ym.

>Nakilala ko si Mr.Legaspi nung kasgsagan ng tumblr at maganda pa ang naging relasyon ko sa mga tao kay Mr.Naga naman nakilala ko sya lalo nung nawala ang komunikasyon namin ni Mr. Legaspi dahil naging busy sya sa kanyang pag-aaral at nabuhos ang atensyon ko kay Mr.Naga na kung saan ay unti unting naglaho ang lihim kong pagtingin kay Mr.Legaspi.

>Una kong nakausap sa telepono si Mr.Legaspi. At kahit ilang araw lang yun, alam kong kilala ko na sya, kasi marunong syang makipag-usap. Binibigyan nya ako ng tsansa na makapagsalita. Hindi tulad ni Mr.Naga na gsuto ay sya lang ang bida. PERO, hindi yun naging hadlang para hindi ko sya magustuhan, yun pa nga ang naging dahilan kung bakit ko sya nagustuhan lalo.:)

>Mas open ang pakikipaglandian ko kay Mr.Legaspi kasi alam sa dashboard ang namamagitan sa aming dalawa. (Na lumalabas ay meron na talaga kaming relasyon) Nag-aaway at naglalambingan sa dash, ganon kami ka-open sa friendly relationship namin. Kay Mr.Naga naman, nakilala ko na kasi sya nung mga panahon na sikat na sya, parang lumalabas na ginagamit ko sya para ako ay sumikat. PERO HINDI TALAGA. Parang ako pa nga ang nanggamit sa kanya eh kasi gusto ko mawala yung nararamdaman ko kay Mr.Legaspi.:) Ang friendly relayionship naman namin ay patago, since sikat nga sya at ayokong kaayawan ng mga followers nya through ym kami nag-uusap. Doon nagbunga ang malalim naming pagkakaibigan.:) At nung tumagal kinaawayan na din sya ng mga kaibigan ko kaya mas lalong dumistansya kami sa dashboard.

>Ang pagkakapareho nilang dalawa para sa akin ay parehas silang taga-Bicol Region. Nakapag-open up na sa aking ng mga nakarelasyon nila. Nasabihan na ng mga tao na bading sila pero ang totoo naman talaga ay straight sila.:) Marami silang alam sa mga tao sa dashboard dahil sa kadaldalan ko. Pareho may ambisyon sa buhay, mas mataas sa height nila.:P At parehas ko silang minahal. Si Mr.Legaspi ang nakalipas pero ganap pa din ang closeness namin sa isa't isa. Kay Mr.Naga naman ang aking kasalukuyan, sinanay nya kasi ako sa mga ibinibigay nya sa akin, sa mga kalokohan nya, sa pagkukutya sa akin. Pero handa na ding kalimutan dahil sa mga naihayag nya na pagkaayaw sa akin IF EVER o KUNG MAY CHANCE na maging kami.:(


Hanggang landi lang talaga ako.Nakakasawa din ang ganto alam nyo ba yun?! Kailan kaya darating si Mr.Right ng buhay Ko?

Saturday, May 29, 2010

Kasi nanunuod ako ng my name is kim sam soon tapos..



Kim Sam Soon:
Matanong ko lang, may gusto ka ba sa akin?
Cyrus: Ano??
Kim Sam Soon: Eh bakit mo ko kasi tinatawagan sa kalagitnaan ng gabi? PAra saan yun?
Cyrus: Wala lang. Masama ba yun?
Kim Sam Soon: Alam mo Cyrus, kung wala lang iyong pagtawag na ginagawa, eh di parang sinabi mo na din na sinungaling ka?
Cyrus: ANO??
Kim Sam Soon: Lumalabas kasi na may interes ka sa babae, nagpapakita ka ng motibo na gusto mo sya.
Cyrus: ...
Kim Sam Soon: Kaya tatanungin kita ulit, may gusto ka ba sa akin? Aminin mo na kasi eh, halatang halata na!!
Cyrus: Wala. Wala akong gusto sa'yo. Yang mga kamay mo palang, napakapangit. Di yan gugustuhin hawakan ng mga lalaki. Saka ang taba-taba!!
Kim Sam Soon: Ah ganun? Walang magkakagusto ah. O sige, bahala ka na dyan!
Kim Sam Soon: (Naglalakad papalayo kay Cyrus) Gusto ko lang naman marinig kung meron o wala eh. Para alam ko na ang gagawin ko. Hay talaga yuno, nagparamdam pa! Nakalimutan ko na nga siya eh. Masaya na ako sa mga nakalipas na araw tapos biglang tatawag? Bumalik tuloy ang nararamdaman ko sa kanya!
Tinay: (nanunuod) Tangina, bakit ko ba nilipat dito sa QTV eh nanunuod ako ng Showtime? Blah.
Tinay: (guilty??? LOL)

Wednesday, May 26, 2010

Bakit ganon?

Bakit sa tuwing wala ako sa harap ng computer ay marami akong ideya nagustong i-blog pero sa tuwing haharap nako sa harap ng laptop.. biglang nawawala. parang pag-ibig ko sayo unti-unting nawawala na parang pinatay ang sindi ng kandila.

LOL.

Sorry BS, i'm not in the mood right nao.:(

Monday, May 24, 2010

I think i'm better off without you..

hey you, wazzup. here's the thing, i hate myself right nao. you want to know why? because i'm so friggin' tired understanding you. sick of your shit talking. your silly games. your criticism against me.

i've been waiting for you to text me. unfortunately i'm waiting for nothing. i'm hoping for this date and yet you never give a damn to confirm if we're gonna continue this tryst or not. or fuck. you. -_-

but..

I LOVE YOU. or NOT. or just infatuated. Blah!

Thursday, May 20, 2010

NetCon Depriviation.

Paggising ko nung Tuesday ng umaga, ang tumumbad na text sa akin ay ganto:

"Pabigat ka na daw sa ate mo, wala ka nang ginawa kundi mag-internet"-Mommy

Okay. Ang akin lang. Bakit kailangan ipaalam pa sa mga taong wala kaysa sabihin na agad sa akin ang kakulangan ko, ang kamalian ko? Nakakapikon lang kasi eh. Kaming dalawa na nga lang ang tao dito sa bahay, bakit di nya pa kayang sabihin sa pagmumuka ko yung kamalian ko??

Kaya ayun. two days nilayo sa akin ni ate erika ang internet. Okay lang kasi anjan sila nick, alwyn, and the rest of the gang na tanggalin ang bagot ko for two days tru confe. Kagaya lang ngayon, kausap ko na sila. Paano ako makakabalik sa dati kong buhay kung araw araw eh kausap ko ang mga to??? Pero ayos na to. :P







Monday, May 17, 2010

Minsan, masarap din pala sa pakiramdam ang tahamik..

Sa puntong ito, ganto ako ngayon. Bago eto sa akin, dahil ako yung taong nabibingi sa katahimikan. Sinusubukan ko ngayon ng walang background music habang ginagawa ko tong blog na to. Maganda din pala sa pakiramdam ang ganto. Yung tipong ang naririnig mo ay ang mga gamit na nasa paligid mo..

  • Ang tunog ng orasan, kung pano umiikot ang malaking kamay na paulit ulit at di mo mamamalayan na magtatapos na naman ang gabi.
  • Ang pag-ikot ng electric fan. Kahit mainit ang binubuga nyang hangin na-aappreciate ko pa din ang pantanggal init na nararamdaman.
  • Ang hinahangin na larawan ni Papa God. Parang ang lapit lang nya sa akin. Alam kong nasa likuran ko lang Sya araw-araw, dahil dito panatag ako na balang araw magkakawork ako. (Kung nagsisimula ka na sa paghahanap, Tinay)
  • Ang tahol ng aso sa may labasan namin. Siguro may di kilalang tao ang dumadaan kaya ganun nalang kaingay ang pagtatahol nya.
  • Ang kaluskos ng pintong nasa harapan ko. Mahangin kasi. Plus the fact na wala kaming bubong, hinahangin tuloy yung pinto. Kumakalampag.
  • Ang mangbabablot, sumisigaw para mabili ang kanyang mga itlog.
  • Ang pagkagat ko sa Superstix na kinakain ko. Crunchy!
  • Ang motor ng sasakyang gingawa hanggang ngayon. Nakakairita lang ang paulit-ulit nagpagstart sa makina. Sa susunod pati to ay magagawa ko na.
  • Ang mag-asawang na-aaway sa harapan pa ng aming gate. Palibhasa abandunado sa labas ang bahay namin. Hindi ko kasi iniwang bukas ang ilaw sa labas ng aming tahanan. Ang naririnig ko lang naman ang mga mura nila na kung sana ay dun sila nagsasabihan ng maduduming salita sa loob ng bahay nila at hindi dito sa amin. Nakakabaog lang sa panrinig kasi tinalo ang perang bago sa lutong eh.
  • Ang pagtilaok ng mga panabong na tandang nila Aling Rose. Ginigising ata nun ang mga call center agents, oras na para pumasok sila.
  • May dumaan na eroplano. Naisisyahan ako pag may nakikita akong eroplano. Dahil siguro naisalapat na sa kanta ang dati kong tingin sa sasakyang himpapawid. Good times.
  • May tricycle na paparating. May dumating siguro na kamag-anak ang aming kapitbahay. O kamag-anak ko? Hindi. Mga kuripot kami pagdating sa tricycle. Kung kaya pang lakarin, para san ba ang sasakyan na yun?
  • Tumunog ang aking selepono. May nagtext pero hindi ko binasa ang mensaheng dala ng nagtext. Busy ako. Eh ikaw, GM lang naman yan. Effort mo.
Nakakarelax din pala ang ganto. Baka masanay na ako sa gantong pangyayare sa aking buhay. Ang ayoko lang eh yung mga kapitbahay namin na mahilig tumambay sa harap ng aming bahay at dun mag-aaway o hindi naman kaya magchichismisan. Nakakarindi eh.

Mukang mawiwili ako sa ganto. Ang nakakainis lang dito, may parte pa din sa buhay ko, may sumasagi sa isip ko mga bagay na dapat hindi na pagtuunan ng pansin. Mga mukang kailangang burahin na sa aking isipan. Mga taong nagbibigay kirot sa aking puso. At mga kaibigan kong nilimot na ako.

Gagawin ko nalang to minsan, ayokong mabuang kakaisip sa kanila. Ako lang kasi ang napapagod hindi naman sila. Hindi ba tama ako??

Dahil di ko na mahintay..

Asan na ba ako sa previous blog ko? Hmm. Nakakainis lang sa mga gantong lakad. Ihalimbawa na natin yung Pahiyas festival. Oo na at natuloy na ang pagpunta namin, kaso ako ang nagmukang sampid dahil mga kaibigan ni Joam at syoting lang naman nya ang mga kasama ko. Oha. San kayo diba? Ang nakakainis lang yung mga binitawan nilang salita..

"Ayan. Buti dumating ka na. May photographer na tayo. " i was like. whut? O_O okay. GTG guys. Alam ko naman na joke lang yun. Pero ang joke hindi ba ay half-meant?

Hmm.. Nakakatakot lang kasi kulang ang pera ko nung mga oras na yun. Nagugutom nako pero sinabi ko nalang na busog pa ako. kahit alok sila ng alok syempre nakakahiya din yun diba??? Pero di ko din natiis. Sa katunyan nga eh kumapal na nang kumapal ang muka ko. HAHAHA. (way na din yun para makaganti ako sa kanila. Bwahaha)

Nalibre lang naman ako ng Lunch sa Mutiolas. Merienda na shawarma. (kahit may ketchup putaena kainin na. Nawala ang pag-iinarte ko dahil sa gutom. Gaaaah!) Dinner sa Jam-Levy's Carinderia. (bumawi nag magjowa dahil di na nila ako makausap. Naubusan na kasi kami ng Longganisang Lucban at bumalik pa nung linggo. haaaay) At syempre sa pamasahe. OO, AKO NA ANG MAKAPAL ANG MUKHA!! HAHAHA. Salamat sa tulong din nila at nakauwi ako. May sukli pa akong 140php. Bwehehe.

Marami akong natutunan sa paglalakbay na ito. May Advantages at Disadvantages. I-eenumerate ko para mas mabasa nyo naman..

Advantages ng may kasama:
  1. Ang kinaganda lang ng pagpunta ko sa Pahiyas Festival na may kasama ay ang pagkakaroon ng chance na magkaroon ka ng picture na solo. Eh meron nga, ang papangit naman ng mga kuha nila. Ano bang klase kayo?? LOL
  2. Pag gipit ka, kanino ka pa ba hihingi ng tulong. Hindi ba sa mga kasama mo??? Pero hindi nga tulong ang nahingi ko eh. Pati dignidad ko sila na ang tumustos. Hahaha!
  3. Dahil nga may kasama ako, ang aking matalik kong kaibigan ay may pinsan na malapit sa may SM Lucena. Ayun, dun kami nagpalipas ng oras. Nag-inuman. At bakit nagustuhan ko ang The Bar?? Dati ayoko nito ah.
  4. Naging sunud-sunudan ako sa may mga pera para lang makasurvive sa alis na to. Nakakapanibago dahil wala sa talasalitaan ko ang sumunod sa mga trip ng iba. Tulad ng pag-upo ng kulang kulang na 5 oras dahil mainit maglibot. (parang diadvantage to? never mind. )
Disadvantages na may kasama:
  1. Sila sila lang ang nagkakaunawan.
  2. Sila na ang mapera. Whut? (Uhm. Ang explanation jan eh nabibili nila ang lahat ng gusto nila. May souvenir. At ang kinaiinggit ko talaga ay yung t-shirt. T_T)
  3. May pagkakataon na gusto mong kausapin yung kaibigan mo pero may kasam syang boylet. Err, dyahe kaya!
  4. May sarili akong mundo. Ang tahimik ko. Bago yun, pre!
Basta, panira ang mga boylet sa mga gantong lakad. Okay lang kung mga kaibigan ni Joam ang kasama ko eh, pero yung boylet??? Ayy naku, ibang level na yan. Pero really Dennis. Carl. Carlo. Kung anu man ang pangalan mo, salamat din pala kasi nakaraos ako. nakakakain ng tama. Apir pare!

Umpisahan natin sa katangahan kong taglay.

Babala: Itong blog na to ay hahatiin ko sa hindi-ko-din-alam-kung-ilang-entry. Beware guys. Dahil magdadaldal ako ng bonggang bongga.:))

Akala ko di na matutupad ang pagpunta ko sa Lucena/Lucban.
Papaano, Biyernes na..Kinabukasan ay fiesta na di pa alam kung makikitulog ba ako kila krys o luluwas ng maaga.
At sa kasagsagan ko ng pag-iinternet, nagtext tong si krys.
Pwede na daw akong pumunta.
Ate, anong oras na nung nagrep ka.
Almost five na ng hapon..
Pero pinairal ko talaga ang pursige ko.
Na-oberan ang katamaran
At ayun alas syete na ng gabi nung nilisan ko ang bahay.

Kabado.
Papaano isang libo lang ang pera ko.
Kakasya ba to?
Mag-uwi daw ako ng longganisang lucban at pancit habhab.
Papaano kaya yun?
Bahala na..

Nakarating sa Buendia ng alas ocho.
Hanep.
Standing ako teh!
Hanggang kailan kaya to??
Jusme, sa Lucena pa ang pupuntahan ko.
Limang oraw ata ang byahe. -_-
Naisip ko din kung maghihintay ako ng ibang bus mukang mamadaling arawin ako.
Nakakahiya naman kila krys.
Makikituloy nalang eh istorbo pa.
Pero naisip ko sana nag paumaga nalang ako.
Peor wala na akong magagawa eh.
Asa bus na ako nun.
Bahala na..

Lahat na ata ng klaseng pagtatayo ay nagawa ko na.
Nangalay ako ng sobra!!
Nakaupo nung nasa Sto.Tomas, Batangas na.
Almost dalawang oras lang naman akong nakatayo.
Kay sakit sa paa at binti. -_-

Ang nagpakilig lang sa akin nung mga oras ng byahe ko ay si
Nick.
he keeps on calling me.
As in OMG.
Is this for real, baby?
Anong meron???
HAHAHA.
Pero di ko naman nasasagot.
Tumawag sya, twice.
Kasi naman naka meeting mode ang cellphone ko.
Hinintay ko lang makahanap ng sariling upuan para makabwelong sagutin ang tawag nya.
Pero nung tumawag na sya, PBB naman.
Eh tutuok un dun lagi eh!

Ayun muka na naman akong tanga.
Tv na naman ang kausapa ko
At panay side comments lang nya ang naririnig ko.
Pero nung dumating na ang show para matapos..
Eto naman ang hirit nya na ikinagalit ko (KINASELOS.wtf.-_-)
"Tinay, nagtext si
Leisa!! HAHAHA. Tawagan ko daw sya. Taena ka wag kang maingay ah! I-mute mo na yang cellphone mo as i calle her. Okay? Wait.."
*nagdadial na sya
Naisip isip ko, oo na leche.
Di mo lang ako binigyan ng time magsalita.
Biwset kaaaaaa!!!!
10minutes ang lumipas..
Parang nakakagago na ah.
Iniwan ako sa ere ng gago.
Nabadtrip ako..
Inend call ko nalang.>_<

Nakaidlip ako ng kaunti.

Paggising ko ay Lucena na.

Ako'y nagsimulang magfreak out!!!

SA Alpsville daw ako magpababa.

Hello, wala akong makitang ganung subdivision.

nagdadalawang isip na bumaba sa SM

Pero di pa din ako bumaba.

Gang sa umabot na ako sa pier.

Hala ano lang to????

DEAD END!!!

Tubig na nang nakikita ko..

Putangina lang!!!!

Nagtanong tanong na ako..

May nag-offer ng trike.

Lalaki: ma'a m san po sila?

Ako: sa may SM po sana..

L: may kasama po ba sila?

A: wala. magkano po ba gang dun??

L: 120 lang.

A: (taena, dinaig ang taxi...shet!!) Ang mahal naman!!

Naglakad papalayo.. Style yun para makatawad. Hehe.

L: magkano po ba gusto nyo? Kasi pag mag-isa lang talaga, 80php.

A: 50. hahaha.

L: ay ma'am lugi pa ako. 47.50 po ang gas.

Nag-isip isip. Tae. Ang layo naman kung lalakarin ko.

Naisiapang itext si Krys.

Lechugas, di ako sususnduin okay.

Paki ba naman nya kung 80 ang babayaran ko???

Haaaay tanga ka Tinay!!!

Di mo pinairal ang instinct mo!!

Nawaldasan ka pa tuloy ng 80php..

Grrr, tanga tanga tanga!!!

T_T

No choice, sige nalang nga..

Antok na din ako nung mga oras na yun eh.

Sinundo ako nila krys, kasama ng kasam nya sa bahay.

Nag-7 11.

At nakuha ko pang magload.

Pasaway lang!

Derecho tulog.

Ang galing naman na host ni Krys.

"Oh Tinay, bukas na tayo magkuwentuhan ah. Tulugan na.."

Napa-okay nalang ako.

Hahaha!

Kalaoka ang mga kaibigan ko talaga.-_-

Dahil di pa ako makatulog..

Nag-unli nalang ako.

Nakatext pa sila Alwyn, Bhadette at Nick (tumatawag pero inend ko nalang.)

Tama naman kasi ako.

Kausap nya pa din si Leisa na kaboses daw si Rain.

Dahil mahina ang signal, nakatulugan ko na sila.

Quarter to six na ako nagising..

Akala ko naman ay sasama tong si Krys.

Bbyahe na naman ako ng ako lang.

Okay lang.

Kesa naman pilitin diba???

O eto pala silang naghatid sa akin..


Parang nalugi lang si Krys. Hahaha!!

Nafeel ko ang pagiging Backpacker ko , nung nasa jeep na ako na papuntang Lucban.
I was like..syet this is it!!
Tatahakin ko ang Lucban ng ako lang!!
Tuwang tuwa ako nung naglalakad na ako.
At nagsimulang mag-sisp ng kung anu-ano.
Na sa susunod na backpacking ko ay di na ganto.:)

P.S.

Natatawa lang ako kay Krys, pinakita nya si Doraemon na regalo ng boyfriend nyang si Echo! May sariling lugar sa kwarto nya.



At talagang may higaan at kumot pa ah. HAHAHAHA!!!

Friday, May 14, 2010

Natataranta na ako hihihi.

Ang gugulo talaga ng utak ng mga kaibigan ko. Parang mga PH!XD Kanina sabi mayang madaling araw nalang daw ako bumyahe, ngayon naman ang giit nila ngayon na, as in NOW NA! Ano kala nila sa akin superhero na mapapadpad kaagad sa quezon? Anak ng hipon yan!

Hindi pa din matapos tapos yung pag-uusap namin sa text, baka sa bandang huli eh tamarin nakong kausapin sila at bukas na pumunta. Pero nakakabadtrip na daw ang trapik nun pag bukas. Ano ba talaga krys at joam?? wag nyo naman ako pag laruan!! Mahal ang pamasahe. 1000 lang talaga ang pera ko. At kung ayaw mo kong ipatuloy sa bahaya nyo krys, so be it. Makikitulog nalang ako sa lansangan. Peste.

Goodluck sa akin. This just it. The Backpacking Life of Tinay Tinapay begins. Oh God, guide me on my trip.

****see you on Sunday.:P

Thursday, May 13, 2010

Andaming Drama Sa Compound. -_-

Nung una nasisiyahan pa ako sa ganung usapan.
Naglaon hindi na din pala.
Nakakasira na kasi ng pagkatao yun mga ganun paninirang ginawa nila.
Siguro lalagi na ako sa iyo BS at kay posterous na din.:)
Namemenos ko na nga ang pagbablog dun kasi nakakatamad na.
Ang daming kadramahan.
Nang-aaway ng walang dahilan.
Ang daming isyu.
Hayyy.
Gusto kong bumalik ang dati sa tumblr..
Yung may mga ranking and activity page.
Baka mawala din ang mga gago. Matigil na ang pagbubully.
Sana noh?:)

Tahakin mo ko ng may ngiti sa iyong mga labi.

Mahirap magkaron ng mga kaibigan pag alam mong kaugali mo sila. Isang halimbawa dyan yung ang daming alibi keso lumuwas daw ung kapatid nya at walang kasama sa apartment nila. Keso ang alam nya eh sa linggo ung festival. (Ay teh eto nalang, wag mo na akong bilugin. Ang stir mo lang. Bumenta na yan. Isa pa, itong trip namin papuntang Lucban sa Sabado ng umaga, sa bandang huli ako lang pala ang maglalakbay ng mag-isa. Kasi naman akala ko andito sila sa Maynila kung makapagyaya. Ayun pala nasa mga probinsya nila. Magkita nalang daw kami sa terminal. Ang sasarap pagsisigawan (Oo ganyan ako pag galit, bungangera. LOL), kaso katext ko lang sila. Ang mali ko pa bakit ako nag-immortaltext.>_<

Tapos suggest pa ng kaibigan ko, "Tine sabay nalang daw kayo ng boylet ko magbyahe." Pagkabasa ko talaga ng text nya, nanlaki yung mata ko. As in ganto: O_O Leche yan. Unang una, kala ko ang trip na to eh kami kami lang magkakaibigan..(WALANG SABIT. WALANG JOWA NA MAARTE!!!) yun pala, sinama ang buong tropa nya. -_- Wow teh, ako pa ang lumabas na sabit. Ay tarush mo!! Nakakapanggigil kagatin yang malulusog mong braso!! Sana nagsama din ako diba. Sinama ko yung alaga naming sawa. Para mas masaya. (Mga takot pa naman sila sa ahas. HAHAHAHA)

Eto ang matindi. Hinatid ko kasi si ermat sa terminal ng bus papuntang Pampanga, (iiwan na naman nya kaming mga anak nya para makapiling ang apo nya. Nakakaselos na. -_-) uhm nabigyan lang naman ng pera. Nagulat ako. Galante. =)) May sapi si mudrabells. LOL. Ang pagbigay nya pala ng pera sa akin ay hindi pandagdag sa pocket money ko kundi pampasalubong!! Anak ng teteng. "Uwian mo kami ng broas at longganissang lucban ah. O mag-ingat dun. Wag patanga-tanga!" Nasambit ko nalang, "opo ma'am ramilo." Patay nako. Lambanog please. -_-

Grabedad ka, Blogblogspot!

So eto na nakalipat na ako. Ano naman ang bago? Hmm, wala naman. Oh ganto nalang para may saysay tong post ko. Ikaw nalang ang pag-uusapan para malaman mo naman ang buong kadahilanan kung bakit ako lumipat (at naipirata ng mga kaibigan. buwahaha!)

Noong una kita nakilala, isa pa akong avid reader ng Candymag. Sa pamamagitan ni Bianca Gonzales naisipan kong pumunta sa pinakamalapit na computer shop para makausap ka. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa iyo. Nakakatawa ka. Napaiyak mo na din ako. Napaisip ako na..oo nga noh? Pero lahat yun binalewala ko. Sorry naman. Di ko alam after six years magkikita ang landas natin ulit. True love na ba ito? Di ka kaya gaya ng ilan na magyayabang at di na mamamansin dahil sumisikat na? Naku ako pa naman pag nagsimulang magmahal, di magbabago ang pagtingin ko pwera nalang kung lolokohin ako.

Natuwa lang kasi ako dahil after six years nga, binuksan mo ulit ang puso mo para sa akin. Ikaw na ba ang soulmate ko? Nawa'y makasama kita sa paglalakbay ko kahit walang kulay. Hehe.

Nag-adsabalutan

Ikinulong ang sarili sa kwarto. Kinalat lahat ng gamit. Mga damit, litrato, libro, mga souvenir sa mga lugar na napuntahan ko sa bansa at sa ibang bansa, mga sulat at mga albums ng mga paborito kong banda. Parang nasa payatas lang ako. Ah slight lang. Mejo gabundok din ang mga damit ko kahit wala akong naipundar na bago. Pero tama na tayo dyan. Ang dami ko pang satsat kasi.

Eto na. Ito na ang tamang oras umalis. Tama na siguro ang pamamalagi ko dito sa puder ng kinalakihan ko. Kinagalawan ko. Kinasanayan ko. Kailangan ko nang buuin ang sarili ko. Kailangan ko nang iwan kayo kahit masakit.

"Eh bakit mo ba kasi kami iiwan", sabi ni Koni the Konsensya. Napaisip ako ng malalim. Oo nga, ang drama ko naman. Ano bang meron? Sumagot, "Hindi na ako masaya. Pwede na ba yun? Wag ka nang mangulit ng karagdagang tanong mo kundi..SASAPAKIN KITA!" Umurong bigla ang dila ni Koni at nanlaki ang mata.

Dadalaw dala naman ako, huwag kayong mag-alala. Siguro pag hindi na magulo sa kinaiikutan natin pare-pareho. May ilan kasi na ang hanap ay atensyon, di ba nila alam na matagal ng may ganun at di na kailangan gawin isyu? Arte nila, nyemas. Epal. Lol.

Wala naman din kasi makakamiss sa akin. Kahit nga siya di ko sinabihan na aalis ako. Kaya sana walang makaalam tungkol dito. Hihi.

Kumpleto na. Hinihintay ko nalang ang padyak ni Mang Entong para ihatid ako. Kinulang ako sa budget eh. Okay na yan, kamag-anak ko naman sya eh. Okay na daw sa kanya isnag order ng miki bihon kay Aling Banang. Coming right up!