Thursday, May 13, 2010

Nag-adsabalutan

Ikinulong ang sarili sa kwarto. Kinalat lahat ng gamit. Mga damit, litrato, libro, mga souvenir sa mga lugar na napuntahan ko sa bansa at sa ibang bansa, mga sulat at mga albums ng mga paborito kong banda. Parang nasa payatas lang ako. Ah slight lang. Mejo gabundok din ang mga damit ko kahit wala akong naipundar na bago. Pero tama na tayo dyan. Ang dami ko pang satsat kasi.

Eto na. Ito na ang tamang oras umalis. Tama na siguro ang pamamalagi ko dito sa puder ng kinalakihan ko. Kinagalawan ko. Kinasanayan ko. Kailangan ko nang buuin ang sarili ko. Kailangan ko nang iwan kayo kahit masakit.

"Eh bakit mo ba kasi kami iiwan", sabi ni Koni the Konsensya. Napaisip ako ng malalim. Oo nga, ang drama ko naman. Ano bang meron? Sumagot, "Hindi na ako masaya. Pwede na ba yun? Wag ka nang mangulit ng karagdagang tanong mo kundi..SASAPAKIN KITA!" Umurong bigla ang dila ni Koni at nanlaki ang mata.

Dadalaw dala naman ako, huwag kayong mag-alala. Siguro pag hindi na magulo sa kinaiikutan natin pare-pareho. May ilan kasi na ang hanap ay atensyon, di ba nila alam na matagal ng may ganun at di na kailangan gawin isyu? Arte nila, nyemas. Epal. Lol.

Wala naman din kasi makakamiss sa akin. Kahit nga siya di ko sinabihan na aalis ako. Kaya sana walang makaalam tungkol dito. Hihi.

Kumpleto na. Hinihintay ko nalang ang padyak ni Mang Entong para ihatid ako. Kinulang ako sa budget eh. Okay na yan, kamag-anak ko naman sya eh. Okay na daw sa kanya isnag order ng miki bihon kay Aling Banang. Coming right up!

No comments:

Post a Comment