Monday, May 17, 2010

Minsan, masarap din pala sa pakiramdam ang tahamik..

Sa puntong ito, ganto ako ngayon. Bago eto sa akin, dahil ako yung taong nabibingi sa katahimikan. Sinusubukan ko ngayon ng walang background music habang ginagawa ko tong blog na to. Maganda din pala sa pakiramdam ang ganto. Yung tipong ang naririnig mo ay ang mga gamit na nasa paligid mo..

  • Ang tunog ng orasan, kung pano umiikot ang malaking kamay na paulit ulit at di mo mamamalayan na magtatapos na naman ang gabi.
  • Ang pag-ikot ng electric fan. Kahit mainit ang binubuga nyang hangin na-aappreciate ko pa din ang pantanggal init na nararamdaman.
  • Ang hinahangin na larawan ni Papa God. Parang ang lapit lang nya sa akin. Alam kong nasa likuran ko lang Sya araw-araw, dahil dito panatag ako na balang araw magkakawork ako. (Kung nagsisimula ka na sa paghahanap, Tinay)
  • Ang tahol ng aso sa may labasan namin. Siguro may di kilalang tao ang dumadaan kaya ganun nalang kaingay ang pagtatahol nya.
  • Ang kaluskos ng pintong nasa harapan ko. Mahangin kasi. Plus the fact na wala kaming bubong, hinahangin tuloy yung pinto. Kumakalampag.
  • Ang mangbabablot, sumisigaw para mabili ang kanyang mga itlog.
  • Ang pagkagat ko sa Superstix na kinakain ko. Crunchy!
  • Ang motor ng sasakyang gingawa hanggang ngayon. Nakakairita lang ang paulit-ulit nagpagstart sa makina. Sa susunod pati to ay magagawa ko na.
  • Ang mag-asawang na-aaway sa harapan pa ng aming gate. Palibhasa abandunado sa labas ang bahay namin. Hindi ko kasi iniwang bukas ang ilaw sa labas ng aming tahanan. Ang naririnig ko lang naman ang mga mura nila na kung sana ay dun sila nagsasabihan ng maduduming salita sa loob ng bahay nila at hindi dito sa amin. Nakakabaog lang sa panrinig kasi tinalo ang perang bago sa lutong eh.
  • Ang pagtilaok ng mga panabong na tandang nila Aling Rose. Ginigising ata nun ang mga call center agents, oras na para pumasok sila.
  • May dumaan na eroplano. Naisisyahan ako pag may nakikita akong eroplano. Dahil siguro naisalapat na sa kanta ang dati kong tingin sa sasakyang himpapawid. Good times.
  • May tricycle na paparating. May dumating siguro na kamag-anak ang aming kapitbahay. O kamag-anak ko? Hindi. Mga kuripot kami pagdating sa tricycle. Kung kaya pang lakarin, para san ba ang sasakyan na yun?
  • Tumunog ang aking selepono. May nagtext pero hindi ko binasa ang mensaheng dala ng nagtext. Busy ako. Eh ikaw, GM lang naman yan. Effort mo.
Nakakarelax din pala ang ganto. Baka masanay na ako sa gantong pangyayare sa aking buhay. Ang ayoko lang eh yung mga kapitbahay namin na mahilig tumambay sa harap ng aming bahay at dun mag-aaway o hindi naman kaya magchichismisan. Nakakarindi eh.

Mukang mawiwili ako sa ganto. Ang nakakainis lang dito, may parte pa din sa buhay ko, may sumasagi sa isip ko mga bagay na dapat hindi na pagtuunan ng pansin. Mga mukang kailangang burahin na sa aking isipan. Mga taong nagbibigay kirot sa aking puso. At mga kaibigan kong nilimot na ako.

Gagawin ko nalang to minsan, ayokong mabuang kakaisip sa kanila. Ako lang kasi ang napapagod hindi naman sila. Hindi ba tama ako??

No comments:

Post a Comment