"Ayan. Buti dumating ka na. May photographer na tayo. " i was like. whut? O_O okay. GTG guys. Alam ko naman na joke lang yun. Pero ang joke hindi ba ay half-meant?
Hmm.. Nakakatakot lang kasi kulang ang pera ko nung mga oras na yun. Nagugutom nako pero sinabi ko nalang na busog pa ako. kahit alok sila ng alok syempre nakakahiya din yun diba??? Pero di ko din natiis. Sa katunyan nga eh kumapal na nang kumapal ang muka ko. HAHAHA. (way na din yun para makaganti ako sa kanila. Bwahaha)
Nalibre lang naman ako ng Lunch sa Mutiolas. Merienda na shawarma. (kahit may ketchup putaena kainin na. Nawala ang pag-iinarte ko dahil sa gutom. Gaaaah!) Dinner sa Jam-Levy's Carinderia. (bumawi nag magjowa dahil di na nila ako makausap. Naubusan na kasi kami ng Longganisang Lucban at bumalik pa nung linggo. haaaay) At syempre sa pamasahe. OO, AKO NA ANG MAKAPAL ANG MUKHA!! HAHAHA. Salamat sa tulong din nila at nakauwi ako. May sukli pa akong 140php. Bwehehe.
Marami akong natutunan sa paglalakbay na ito. May Advantages at Disadvantages. I-eenumerate ko para mas mabasa nyo naman..
Advantages ng may kasama:
- Ang kinaganda lang ng pagpunta ko sa Pahiyas Festival na may kasama ay ang pagkakaroon ng chance na magkaroon ka ng picture na solo. Eh meron nga, ang papangit naman ng mga kuha nila. Ano bang klase kayo?? LOL
- Pag gipit ka, kanino ka pa ba hihingi ng tulong. Hindi ba sa mga kasama mo??? Pero hindi nga tulong ang nahingi ko eh. Pati dignidad ko sila na ang tumustos. Hahaha!
- Dahil nga may kasama ako, ang aking matalik kong kaibigan ay may pinsan na malapit sa may SM Lucena. Ayun, dun kami nagpalipas ng oras. Nag-inuman. At bakit nagustuhan ko ang The Bar?? Dati ayoko nito ah.
- Naging sunud-sunudan ako sa may mga pera para lang makasurvive sa alis na to. Nakakapanibago dahil wala sa talasalitaan ko ang sumunod sa mga trip ng iba. Tulad ng pag-upo ng kulang kulang na 5 oras dahil mainit maglibot. (parang diadvantage to? never mind. )
Disadvantages na may kasama:
- Sila sila lang ang nagkakaunawan.
- Sila na ang mapera. Whut? (Uhm. Ang explanation jan eh nabibili nila ang lahat ng gusto nila. May souvenir. At ang kinaiinggit ko talaga ay yung t-shirt. T_T)
- May pagkakataon na gusto mong kausapin yung kaibigan mo pero may kasam syang boylet. Err, dyahe kaya!
- May sarili akong mundo. Ang tahimik ko. Bago yun, pre!
No comments:
Post a Comment