Ang nakakainis lang, naging malapit ako sa kanila to think na muntikan este na-inlove na nga, pero sadyang dinedeny ko pa sa sarili ko. Kasi naman, bakit ganun ang mga lalaki naglalabas ng motibo o interes tapos sasabihin nila na wala lang yun?! Nakakaasar lang. Sana lang kasi open sila sa mga nararamdaman nila para di nahihirapan ang mga babae kung ano talaga sila sa mga lalaki, di ba?
Eto na, sasabihin ko na ang pagkakaiba nitong mga lalaking to sa buhay ko sa internet kung bakit naging makulay ang buhay ko.:)
Ang mga katangian ni Mr.Legaspi:
1. matalino
2. magaling mag-ingles
3. magaling mag-blog
4. marunong maggitara
5. prangka syang tao, sasabihin nya kung anong nais nyang iparating.
6. mahusay sumayaw
7. masarap kausap
8. malawak ang kaisipan sa outlook ng buhay
9. magaling sa debate
10.mahusay kumanta
11.may pagkamoody lang
12.hindi pikon pero wag na wag lang titirahin ang kanyang pamilya (sino ba ang may gusto hindi ba?)
13.marunong makibagay sa mga tao.
14.mabait, kwela, korny, makulit, sweet, understanding
15.ang kulit tumawa
16.hindi katangkaran (dito talaga ako naturn-off sa kanya. sayang)
17.magaling magsalita ng pabakla.:) (nagkakaintindihan talaga kami dito.:P)
18.moody, nakakaasar lang pag ganto sya.
19.hindi marunong magluto kagaya ko, walang alam na sports kagaya ko, hindi mahilig magtanong sa mga direksyon kagaya ko.:)
20.may ambisyon sa buhay. gusto asa plano ang mga lahat ng gagawin nya.
Ang mga katangian ni Mr. Naga:
1. may angkin talento sa photoshop, at kung anu-ano pang related dyan dun sya una nakilala at kumita sa murang edad.
2. over sa confident.
3. hindi kagalingan mag-ingles pero makikita mo dun na gusto nyang matuto sa wika na yun.
4. marunong magluto. (turuan ba ako habang nagcoconfe tayo? hahaha)
5. magaling kumanta (o sige na kahit minsan nakakasuka na makinig sayo. haha)
6. emosyonal na tao pagdating sa pamilya
7. playboy, chickboy, edi guwapo ka na nyan?:)
8. mapagbigay kung ano meron sya.
9. mas matangkad sa akin. (weeee.:P)
10.walang alam na sports
11.prangkang tao, kaya laging may nakakaaway
12.talentado sya pagdating sa photoshop, html, etc
13.marunong humingi ng kapatawaran. pag alam nya talagang mali sya..magsosorry sya.:)
14. masarap kausap lalo na ang mga napagdaanan nyang problema kung paano sya bumangon
15.tawa palang nya nabibighani na ako.:)
16.takot makipagkita sa mga tao.
17.mataas ang pangarap na makilala sa buong pilipinas gayon din sa buong mundo
18.mayabang.eh may pagmamayabang naman talaga kasi.
19.mahilig sa music, sa reality shows, sa movies at kung anu ano pa. pwera lang ang pagbabasa ng libro.
20.mapagmurang tao. totoo sa sarili nya. parang ako? haha.
>Oktubre ko unang nakilala si Mr.Legaspisa pamamagitan ng aming chatroom at pinakilala kami sa isa't isa ng aking kabirthday na si Ghing. Si Mr. Naga naman etong pebrero lang sa pamamagitan ng confe sa ym.
>Nakilala ko si Mr.Legaspi nung kasgsagan ng tumblr at maganda pa ang naging relasyon ko sa mga tao kay Mr.Naga naman nakilala ko sya lalo nung nawala ang komunikasyon namin ni Mr. Legaspi dahil naging busy sya sa kanyang pag-aaral at nabuhos ang atensyon ko kay Mr.Naga na kung saan ay unti unting naglaho ang lihim kong pagtingin kay Mr.Legaspi.
>Una kong nakausap sa telepono si Mr.Legaspi. At kahit ilang araw lang yun, alam kong kilala ko na sya, kasi marunong syang makipag-usap. Binibigyan nya ako ng tsansa na makapagsalita. Hindi tulad ni Mr.Naga na gsuto ay sya lang ang bida. PERO, hindi yun naging hadlang para hindi ko sya magustuhan, yun pa nga ang naging dahilan kung bakit ko sya nagustuhan lalo.:)
>Mas open ang pakikipaglandian ko kay Mr.Legaspi kasi alam sa dashboard ang namamagitan sa aming dalawa. (Na lumalabas ay meron na talaga kaming relasyon) Nag-aaway at naglalambingan sa dash, ganon kami ka-open sa friendly relationship namin. Kay Mr.Naga naman, nakilala ko na kasi sya nung mga panahon na sikat na sya, parang lumalabas na ginagamit ko sya para ako ay sumikat. PERO HINDI TALAGA. Parang ako pa nga ang nanggamit sa kanya eh kasi gusto ko mawala yung nararamdaman ko kay Mr.Legaspi.:) Ang friendly relayionship naman namin ay patago, since sikat nga sya at ayokong kaayawan ng mga followers nya through ym kami nag-uusap. Doon nagbunga ang malalim naming pagkakaibigan.:) At nung tumagal kinaawayan na din sya ng mga kaibigan ko kaya mas lalong dumistansya kami sa dashboard.
>Ang pagkakapareho nilang dalawa para sa akin ay parehas silang taga-Bicol Region. Nakapag-open up na sa aking ng mga nakarelasyon nila. Nasabihan na ng mga tao na bading sila pero ang totoo naman talaga ay straight sila.:) Marami silang alam sa mga tao sa dashboard dahil sa kadaldalan ko. Pareho may ambisyon sa buhay, mas mataas sa height nila.:P At parehas ko silang minahal. Si Mr.Legaspi ang nakalipas pero ganap pa din ang closeness namin sa isa't isa. Kay Mr.Naga naman ang aking kasalukuyan, sinanay nya kasi ako sa mga ibinibigay nya sa akin, sa mga kalokohan nya, sa pagkukutya sa akin. Pero handa na ding kalimutan dahil sa mga naihayag nya na pagkaayaw sa akin IF EVER o KUNG MAY CHANCE na maging kami.:(
Hanggang landi lang talaga ako.Nakakasawa din ang ganto alam nyo ba yun?! Kailan kaya darating si Mr.Right ng buhay Ko?