Noong January 19 (paumanhin kung huli ka na sa balita, blogspot) may natanggap akong mensahe sa ym. Hindi ko inaasahang mensahe sa isang tao na pilit ko nang kinakalimutan. Bahagi nalang kasi siya ng kahapon, na pilit kong binubura sa aking isipan. At pagkatapos, malaman laman ko nalang, nag-iwan sya ng mensahe sa ym ko na puros kadramahan! Syempre, ang abang lingkod nyo naman eh ay tao lang, marunong maantig, makunsensya kaya (sa tingin ko) pinatawad ko na din ang sarili ko sa mga ginawa nya sa akin.
Nakakainis lang kasi: bakit ko ba naisip na i-unfollow sya?
Nakakainis lang kasi: bakit hindi nag-work ang mga nararamdaman namin sa isa't isa?
Nakakainis lang kasi: bakit kailangan humantong ang lahat sa ganto?
Nakakainis lang kasi: bakit hindi ko nalang dinedma?
Haaaay, nasasaktan na naman ako. Sinasaktan na naman niya ako. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko, sa mga nakikita kong pinopost nya. Feeling ko ako nalang ang lagi nyang pinapatamaan, ganon din siguro ang naiisip nya sa mga pinopost ko. Asa, Tine. Kalma lang. Hindi na mababalaik ang mga nangyare na. Haaaay.
No comments:
Post a Comment