Memorable sa akin ang date na ito. Sa 23 taon ko na sa mundong ito, ang petsang ito ang laging nag-iiwan ng tatak dito sa puso't isipan ko. Gusto mo ba malaman kung anu-ano ang meron dito: Oh, tara naaa!
2190 days ago
Fourth year highschool ako. Recollection. Friday. Communion rites. Lumapit siya sa akin para humingi ng kapatawaran. Inabot ang halos kalahating oscha niya as a sign of apology. Ako naman, nagtaka, nagulantang, napipi nung mga panahon na yun. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang ihingi ng kapatawaran eh ni hindi nya ako napapansin sa klase namin kahit dalawang taon ko na syang kaklase. Hanggang ngayon, uhaw pa din ako sa pag-asang malaman kung para saan yun. Hangad nya bang maging kami? (Malaking Chos). Meh.
1825 days ago
First year college. Monday. Corregidor Day Tour. Memorable sa akin ito, dahil ito na ang simula ang paghihirap ng mga magulang ko dahil sa mga kada-semester na may tour. HAHAHA. Nahiwalay kami ni Pau na sasakyan dahil sa kabagalan namin at ang mga kasama na namin ay pawang mga turista na galing sa ibang bansa. Kahit maikli lang ang pagtour nun, naligayahan naman ako kasi ito na ang simula para tuklasin namin ang ganda ng Pinas.:D
365 days ago
13 days na akong walang trabaho. Sunday. Mga hapon non, nagulat ako nang tumawag siya. Una, akala ko biro lang. Pangalawang tawag, nabaliw ako sa tawa niya. Pangatlo, paputol putol na. Ewan ko ba kung papansin lang si Loko non. Pero isa yun sa mga magagandang nangyare sa akin ng makalipas na taon.:) Kasi yun yung simula ng pagtawag nya sa akin. :) Pawang katatawanan man sa simula, nagkakaron din naman ng saysay ang pagtawag nya dahil sa mga binabato kong mga katanungan. At hello naman kay Lindsay Lohan. HAHAHAHA. Haaaay, sayang.:((
Oh tama na ang drama, Tinay. HINDI MO NA MAIBABALIK ANG KAHAPON. Tsk.
No comments:
Post a Comment