After ilang months, nabuo ko din ang novena ni St. Jude.:) May kakaibang feeling akong naramdaman nung natapos yung misa. Para akong lumilipad sa ere sa kagalakan kasi sa wakas, nakabuo din ako! :) Nanghinayang kasi ako sa simbang-gabi, pero atlis ngayon panatag ako na sa 9 na araw mong ginugol sa pagsisimba baka ito na ang maging sign ko para sa akin minimithi! :) Maging positib lang sa mga mangyayare sa buhay at baka dumating na ang ninanais ko! :)
Alam kong may mga kamalian din ako sa buhay na paulit ulit kong nagagawa, gaya ng pagkukumpara ng buhay ko sa iba. Naalala ko ang katagang iniwanan ni Jodi Sta. Maria sa You Are The One, "you're busy comparing yourself to me!" (something like that.lol) kay Toni Gonzaga na medyo nanliwanag ang akin pananaw. Masama pala yung ganon noh? Mas lalo ko kasing dinadown ang sarili ko, eh ang sarili ko din naman ang tutulong sa akin para makamit ang mga pangarap ko. Kaya nga sa twing nagdadasal ako sa Diyos, pinapanalangin ko na sana tulungan Niya akong tanggalin ang mga negative ions sa katawan ko.:) Na sana tulungan Niya akong makabangon muli. Na sana biyayaan Niya ako ng knowledge na kung saan maging confident na akong humarap sa pagsubok ng buhay. At na sana makaganti (in a good way) na ako sa mga magulang ko, lalo na kay Mommy na masuklian ko ang mga nagawa nilang sakripisyo sa akin.:)
Depress ako ngayon, feeling ko kasi wala na akong silbi sa buhay. Ang mga kaklase ko na di ko akalaing makakapag-abroad ay masaya na sa mga nakamtan nila sa buhay! Kaya din siguro di ako umuusad sa buhay, kasi mahilig akong magkumpara kung ano ang mga nakakamit ng tao sa akin which is not a good idea pala.:| Kaya nga ako thankful ngayon, kasi nailabas ko yung mga hinaing ko sa buhay. May tumulong sa akin na isang kaibigan na handang sumoporta sa mga gagawin kong desisyon. Maraming salamat pala Kaloy, kahit di mo nababasa 'to alam kong all the way kang nandyan para sa akin.:) Salamat din kay Louie na pinatawa ako sa mga kagaguhan namin. At syempre di rin naman maisasakatuparan ang mga hakbang na ito kung wala ang aking pamilya.:)
Sana dumating ang pagkakataon na yun noh? Basta ba Tine, wag kang bibitaw sa Diyos lahat yan ay mangyayare. (ahhhh.. sarap naman marinig ang mga ganyang kataga.:D) At ang the rest ay susunod na.. Ayoko muna ispoil.:)
/magulo talaga akong magblog, pasensya.:(
No comments:
Post a Comment