Sunday, January 16, 2011

Least Expected

Medyo mahaba-haba ito.

Naitanong ko si Tam (di ko na matandaan kung anong araw yun) kung paano natutpad ang mga pinagdarasal nya. Sa kadahilanan na nabubuanag na ako kung paano ko matatanggap ang aking inaasam-asam. Ito ang sabi nya, "pinagdarasal ko araw araw. tapos isang araw nakaligtaan kong magsabi tungkol dun at ayun na yung binilhan ako ni Daddy ng cellphone".

Napaisip ako. Ah ganto pala yun. Kahapon, sa di inaasahan nakaligtaan ko nang magsabi ng dasal sa Poong Maykapal (ahhm tuwing umaga ako nagdarasal.:D) dahil ihing-ihi na ako. Ang lagi ko lang naman hiling sa Kanya na sana maisakatuparan ko na ang career training na ninanais ko simula palang nung 2008. Dahil nga sa di inaashan, may nagtext sa akin na number bandang tanghali na. Nasa reception na kami ng binyagan ni Miggy, sabi ng text nya "Pls. standby next week as our US partner is scheduling an interview for you with a hotel in the US. I will text you when i get the final details. Olive of First Place"

Ako naman ay nagulat sa aking nakita! Hindi na nakakain ng maayos dahil sa nakitang mensahe! Ang akin nalang nasambit ay panay pasasalamat sa Diyos sa biyayang hinihingi ako ay unti-unri nang matutupad! :) Naabot ko kay Ate Fannie ang cellphone ko sa kanya para maipakita ang text. Medyo nanginginig pa ako nun sa excitement. Mukang sya din ay na-excite, tinawag si Ate Lahnie para basahin! Napuno ang mga mata ko ng kagalakan at kaba dahil ang inaasam asam ko ay matutuloy na!:D Walang humpay ang pagpepraise ko kay Lord God our Father dahil ito na ang isa sa mga pagkakataon ko na matupad ang aking mga pangarap! Mukang lahat ay naayon na sa kagustuhan Niya.:) I do hope na matuloy na ito sa tulong ng aking faith kay Lord God.:)

Medyo nag babluff na din kaming lahat. Parang nung Thursday lang, nagtanong si Ate Lahnie kung anong balita na ba sa inaapplyan ko! Naisambit ko nalang sa kanila, " tatawagan ko bukas na bukas ang FPI." Naiblog ko din ito sa tumblr, pero ang laman ng blog na yun ay pawang kalungkutan at pagsisisi. Mabuti nalang tinulungan ako ni Karl upang maging optimistic!:) At mabuti ay sumunod ako sa mga inadvice niya!:)

Sana ito na yun! Na-eexcite na ako na medyo kinakabahan kasi dapat ay maipasa ko ang interview para makamove on na ako sa susunod na step. Yun ang practice sa interview ng embassy at yung mismong embassy interview! Sana ay gabayan pa din ako ng Mahal na Ama para masuklian ko na ang mga paghihirap ng aking mga magulang at kapatid para maisakatuparan ko. Ako'y tuluy-tuloy pa ding mananalangin upang humingi ng tulong at confidence sa mga pagsubok pang haharapin ko. At hinding-hindi na din mawawala ang landas.:)

Oh Lord, may You bless me with your love and guide me in every path that I take. And I pray for the health of my parents and safety for my siblings. This I ask in Your most Holy Name. Amen. ♥

No comments:

Post a Comment