Sunday, August 21, 2011
bday-booday
Saturday, August 13, 2011
It's been 3 months
Tuesday, April 26, 2011
GRANTED!
Parang isang oras ako naghintay! Nakaidlip nako’t lahat wala pa din announcement na resume na ang interview. Tapos gutom na gutom ka na at the same time kumakabog ang dibdib mo, parang kang natatae sa kaba siguro epekto ng walang laman ang tyan yun. HAHA. Lutang na lutang ang feeling.
At 10, nagflash na ang number ko. Nagkatotoo naman yung hiling ko na matapat ako sa cubicle 10! Muka kasi syang mabait at KAMUKHANG-KAMUKHA NYA YUNG DOCTOR NI LILY SA MODERN FAMILY! That Asian Lesbo Doctor. =)) After 15minutes, kinuha nya ang passport ko at sinabing imamail nalang nya yung visa ko na naka-attach dun.
HALATANG FIRST TIME: Tinanong ko sya kung kailangan nya yung picture ko na naka-attach sa confirmation slip, hindi na pala yun kukunin! Kalurks lang, di ko naisip na once sinagutan mo yung DS-160 ( US VISA Application Form) dun na kukunin ang litrato. Kaya pahiya ako.-.-
Lumabas ako ng embahada na nakasimangot. ARTE KO LANG YUN PARA PAKABAHIN ANG MGA MAGULANG KO NAGHIHINTAY SA AKIN! =)) Pero fail din kasi di ko maitago ang pagkagalak ko na ibalita sa kanila. Nagthumbs-up na ako kay Daddy na sign na approved na ang VISA. :”>
———
Daddy: Akala ng Mommy mo denied ka, nakasimangot ka kasi paglabas.
Mommy: Akala ko sayang ang 6thousand at di ako nakatulog ng maayos dahil dito!
———
Hay naku, kung alam din nila na ang lumalaro sa isip ko na sana di ko sila madisappoint at yun nga, hindi at feeling ko proud na proud sila sa akin!:”>
Salamat pala sa mga taong nagdasal at naniwala sa akin. Iilan lang silang nakakaalam kasi ayoko pangunahan ang mga mangyayari.:)
Friday, April 22, 2011
K-kinda busy~
iuupdate nalang kita blogspot soon ah? :)
Wednesday, March 16, 2011
I did it!
Ms.Olive texted me, asking if I want tograb the opportunity that Intrax is offering me! Minutes later, I called her up and then I say yes. What else would I say? It's a YES!! Welcome to Maine, U S of A!! (I mean in two months or less. HAHAHA)
but before that happens, I should no..uh should I say I MUST pass the EmbassyInterview. And I think I can, as long as I pray and also trust myself, right?:)
Ash Wednesday
59th
bakit ang hilig namin sa wacky, yan ang di ko alam! birthday celebration ito ni Mommy kila ate. Ayun lang.:p
Swimming @ Hacienda Royale
swimming kahit umuulan! ang hirpa ipost nung ibang picture, kainis yung connection. rawr. late na nga, may pms pa! HAHAHA
Monday, March 14, 2011
INTERVIEW
Thursday (3-Mar-2011)
Tinext ako ni Ms.Olive about the interview kinabukasan. Tandang tanda ko pa na mga alas diyes yun ng umaga, nag-iinternet ako tapos out of nowhere bigla syang nagtext na may screening ako with Ms.Fiona of Intrax. NAtense ako, nag-unli ako bigla at tinext ko siya for confirmation!
Nagsimba ako sa St.Jude, at walang sawa ako nagpasalamat sa Diyos!:p THIS IS IT!! YEEEEES! Tas habang naghohomily, lumalaro na sa isip ko kung ano ang gagawin ko. Via skype kasi ang interview, eh wala akong webcam, balak ko sana bumili pero nakakahiyang makita ako dito sa bahay na nag-eenglish..LOL nakakadyahe lang! Naisip ko ring pumunta kila ate Lahnie since may laptop sya. Hehehe at malaki ang house nya, pwede akong magtago sa iba nyang kwarto.
After ng mass, ang gulo pa din ng isip ko. Pinapapunta nalang ako ni Ate sa kanila. Di ko pa naaayos ang gamit ko. Naisip kong pumunta sa school nila Mommy para humingi ng pamasahe. At binigyan naman nya ako ng 200. Tsk. LOL. at humirit pa ako ng pangkain ko since tom jones na ako dahil sa stress. HAHAHA!
Pagkakain ko sa Paotsin sa may Mezza, umuwi nako kaagad. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang maisip ko na tumawag muna sa FPI. POSTPONED ang interview!! Sa Sabado nalang daw! YEHEEEEEY! THANK YOU LORD!!! Wala kasi ako sa ulirat din bumyahe. Tinext ko nalang sina Ate na bukas nalang ako uuwi. Ayos~
FRIDAY (4-Mar-2011)
Pagkagising ko, nakaset na ang mga gagawin ko. Will do some research for the Intrax at manuod ng clips about sa mga interviews. HAHAHA!! Kinarir ko ang pagreresearch, kahit sobrang sakit na ng mga kamay ko kakasulat!
Mga bandang 7 na kami umalis. Jampacked pala kami papunta kila ate. Syeeeeet malalaman nila ang mga balak ko sa buhay! (o ako nalang ang di nakakaalam na alam nila?psh!)
Mga 11 na kami nakarating. Di ko paring narereview ang mga pinagsususlat ko! Tumawag pa sila Alwyn, at kung anu ano ang kadramahan ang mga sinasabi. Nalaman ko rin na may GF na si Gab na nasaktan talaga ako sa balita. LOL.
Almost two na ako natulog, di pa buo ang mind ko sa magaganap na intervew, kaya kahit natutulog ako feeling ko pinaparactice ko ung skit ko. HAHAHA!!
SATURDAY (5-Mar-2011)
Bumangon ng 6am kahit gising na ako sa inalarm kong 5:30. LOL Kabado kasi ako eh. Nakakainis, ang dami ko pang kaekekan na ginagawa.
Mga alas syete, naisipan ko nang maligo. Kahit naliligo pinapraktis ko ang sasabihin ko. HAHAHAHA.
Kumain lang ako ng hotdog, isa lang. Para kasi akong natatae sa nerbyos pero hindi talaga!
Mineykkapan din ako ni ate Erika, at maya maya bigla nang tumawag si Fiona. OMGEEEEEEE
THE INTERVIEW
Mga past ten na ako nainterview talaga! Parang tanga ko lang kasi, nahinaan ko accidentally yung mic. HAHAHA kaya imbes na tapos nako ng mga 9 eh 10:30 na ata ako natapos. Hindi ko na alam yung series ng interview. Basta naalala ko lang ang mga komento ni Ms.Fiona na pawang mga "great" at "excellent" ang lumalabas sa bibig nya. Which is nakaka-overwhelm naman talaga!
Naging matagumpay naman ang interview, kasi ang tanong nya kung pwede ako sa tuesday night, my time. ABA SYEMPRE NAMAN!! So, 2nd interview na yun diba? I PASSED THE FIRST!! OMGGG!!
MONDAY (7-Mar-2011)
Kinarir ko ang pagsusulat. Inayos ko na nung Linggo ung mga pag-aaralan ko para susulat ko at para matandaan. Nakakapagod ata magsulat. Parang may sarili ng buhay ang kamay ko. Hehehe. Mabuti nalang nilagay ko na lahat sa notepad ang mga facts sa mga lalabas na tanong kasi sa baba kami natulog.
TUESDAY (8-Mar-2011)
Bale nagpaiwan ako, eh wala akong choice kundi magstay kila ate eh. Wala parin kasing charger ang laptop namin. KAINIS LANG! Naging maayos naman ang interogasyon. Oo tamang tanong tanong lang si Ms.Diana Stearn at di man lang umabot ng 5mins ang interview. Okay nadin siguro yun, papanalangin ko nalang na papasa ako!:)
Ang gugulo lang nila Dana nung nalaman nilang tapos na ang interview ko. Hiyawan dito hiyawan doon. Nalaman kasi nila through twitter ang interview ko na tapos na. HEHEHE.
Sana maging maganda ang resulta this week. Para THIS IS IT!!
Wednesday, March 2, 2011
Hi 5!
Leanne turns 5!
Ang bibong bbo kong pamangkin ay kalahating dekada na! Proud na proud kami sayo dahil sa katalinuhan mo at talentado! Kita tayo sa Friday! I wabshoo. :"> Babawi si Tita TineTon sayo pagdating ng araw na mkapagtrabaho sa sya Tate. Sa ngayon, tulungan niyo akong ipagdasal ang pangarap kong ito at mabilan ko na kayo ni Migz ng regalo. Hehehe. Mwah!:*
Voltes V
19-Feb-2011 | Saturday
Nakipagkita sa apatsa Megamall. Unang dumating si Alwyn at Edison na mineet ko sa may McDo. Nagtagal ng ilang minuto, naubos ko na ang mga yelo sa kanilang mga inumin wala paring Nico at Jolong nagpapakita. Sumapit ang ala una, si Jolo ay dumating kasama si Loise. Ang pretty pretty nung babaeng yun. Like ko sya! :"> Anyhoo, nawala ng ilang minuto si Jolo para ihatid si Loise sa MRT papuntang Makati. Maya maya nagtext na si Nico, na nasa Q.Ave. na sya. Medyo may katagalan ang paghihintay at pagtatambay sa may McDo, gang sa nainip nang tumunganga kaya napilitang tawagan si Nico..
Nico: Hello.
Edison: Kuya, asan ka po?
Nico: Andito na sa may McDo! Saan kayo dito?
Edison: Andito kami sa labas!!
Nico: Labas? Asan? Eh andito ako!
Edison: Di ka namin makita! HAHAHA!
Inagaw ni Jolo ang telepono kay Edison pagkarating na pagkarating nya.
Jolo: Asan ka nga ulit?
Nico: Andito nga sa McDo tabi ng Hypermarket.
Tine: Hypermarket? (Biglang turo) Ayun palang ang Hypermarket eh! Palapitin mo!
Jolo: Straight ahead ka lang Kuya Nico!
Nico: Teka lang, eh andito nga ako sa tapat asan kayo dito?
Naguguluhan na kami. Mukang di matatapos ang pagtatanong na to!
Tine: Teka lang, tanong mo nga sang lupalop sya Megamall! Eh iisa lang ang McDo dito eh!
Jolo: (kinausap na muli si Nico) San ka ba banda dito sa Megamall?
Nico: Megamall?! Tangina, megamall ba? ASA MOA AKO!! WAAAAAAAAH HAHAHAHA!
Jolo: (kinausap kami) Asa MOA daw sya! HAHAHAHA.
Edison at Tine: NGE! HAHAHAHAHA.
Jolo: Ano, sunod tayo dun?
Walang sumagot.
Nico: Matatagalan ako sa pagpunta dyan! Okay lang? Another one hour kayo maghihintay!
Alwyn: Okay lang, take your time. Ingaaaat!
-----------------
At ayun nga, almost 2 na kami nagkita kita, nagkasama sama. Kumain sa Greenwich. Nagtagal ng isang oras saka naisipang magvideoke. Itong pic namin ay kuha sa Round 2 na Videoke namin. Winner si Nico sa pagbirit! Wala kaming ma-say! Bigay na bigay! Kinarir ang ALways ng Bon Jovi at I Don't Want to Miss A Thing ng Aerosmith!:">
Kumain sa food court ng Paotsin. Himala at di ko naubos. Kainis lang. At nagkuwentuhan ulit! Nagdesisyong umuwi ng mga alas otso since malayo pa ang babyahihin nila Edison at Alwyn! KAsabay kong umuwi si Nico, nahihiya akong kausapin sya sa tren. HAHAHA. Da fuq!
Sayang wala si Gab. Kulang ang gang! Maraming salamat sa inyo. Ang saya ng araw ko. (nung 19 pa pala.LOL) Sa uulitin.:">
Wednesday, February 16, 2011
Videoke with the Sibs~
12-feb-2011 | Saturday
Kami kami lang nila Ate Lahnie, Ate Erika, Tam, Leanne. Si Nanay Linda ayaw kasi inaalagaan nya si Migs though tulog naman. Hehe.
Si Ate Fannie, wala pa siya kasi padating palang sya galing work. Alam mo ba, ang saya yung ganto?:) Gusto mo pa ng pictures? Teka..:p
Ang mag-ina. Si Leanne ay kumanta ng Top of the World at Baby One More Time!
What's so FANNIE guise? Ate's not yet home! HAHAHA. Si Tam yung may hawak ng mikropono.:)
Si Ate Erika, ang ~songer~ sa pamilya. Though minsan nakakainis yung boses nya. HAHAHAHAHA
Ako nga pala! Wacky pose! :"> Di ko na matandaan kung ano ang kinakanta ko dyan!
So ayun, maraming kinanta, at nagrap pa ako! HAHAppiness!
Happy SAD
Ganyan ang itsura ng planner ko, walang kalaman-laman. Ang boring ng VDay ko, 23years nakong single at gusto ko naman maging reserved sa isang tao na iibigin ako ng buong puso, hindi yung iiwan ako sa ere. HAHAHAHA! Hay buhay nga naman. Bahala na nga kung walang jowa, psh!
Kaya ayun, nanuod lang ako ng Grammys. At nagdala ng pizza at ice cream sila Daddy! :">
Gomenasai
I'm so sorry BS for not updating you on what's happening in my life for almost two weeks, because most of the time i'm at tumblr, lurking NOT posting. I guess I don't feel like sharing what's going on with me, to think i really really don't know what happening to me either. YES, my mind is aviating somewhere i don't know and the only thing that it could return is ME HAVING LIFE. Merely what i need is to be BUSY, yet my chance to be BUSY is not yet descending. HUHU, i'm some kinda losing my hope at this BUT HELL FUCKING NO! I'll still hold on it tight until I lose control. LOL.
Seriously, I'm keeping my faith, hope, and patience and trust the Almighty God what's He gonna give me in the future. Who knows, that day will come and those bitches who let me "feel" i'm such a loser will eventually be nice to me. HAHAHA. What only matters to me is that, my family will be so proud to me on what i achieve.
Hope this will happen in God's time. YES. IN GOD'S TIME.
Monday, January 31, 2011
January 31
Memorable sa akin ang date na ito. Sa 23 taon ko na sa mundong ito, ang petsang ito ang laging nag-iiwan ng tatak dito sa puso't isipan ko. Gusto mo ba malaman kung anu-ano ang meron dito: Oh, tara naaa!
2190 days ago
Fourth year highschool ako. Recollection. Friday. Communion rites. Lumapit siya sa akin para humingi ng kapatawaran. Inabot ang halos kalahating oscha niya as a sign of apology. Ako naman, nagtaka, nagulantang, napipi nung mga panahon na yun. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang ihingi ng kapatawaran eh ni hindi nya ako napapansin sa klase namin kahit dalawang taon ko na syang kaklase. Hanggang ngayon, uhaw pa din ako sa pag-asang malaman kung para saan yun. Hangad nya bang maging kami? (Malaking Chos). Meh.
1825 days ago
First year college. Monday. Corregidor Day Tour. Memorable sa akin ito, dahil ito na ang simula ang paghihirap ng mga magulang ko dahil sa mga kada-semester na may tour. HAHAHA. Nahiwalay kami ni Pau na sasakyan dahil sa kabagalan namin at ang mga kasama na namin ay pawang mga turista na galing sa ibang bansa. Kahit maikli lang ang pagtour nun, naligayahan naman ako kasi ito na ang simula para tuklasin namin ang ganda ng Pinas.:D
365 days ago
13 days na akong walang trabaho. Sunday. Mga hapon non, nagulat ako nang tumawag siya. Una, akala ko biro lang. Pangalawang tawag, nabaliw ako sa tawa niya. Pangatlo, paputol putol na. Ewan ko ba kung papansin lang si Loko non. Pero isa yun sa mga magagandang nangyare sa akin ng makalipas na taon.:) Kasi yun yung simula ng pagtawag nya sa akin. :) Pawang katatawanan man sa simula, nagkakaron din naman ng saysay ang pagtawag nya dahil sa mga binabato kong mga katanungan. At hello naman kay Lindsay Lohan. HAHAHAHA. Haaaay, sayang.:((
Oh tama na ang drama, Tinay. HINDI MO NA MAIBABALIK ANG KAHAPON. Tsk.
Sunday, January 30, 2011
Bookworm
January 26, naisipan kong buksan muli ang aking goodreads account para iupdate ang mga nabasa ko na mga libro nung isang taon, at mga nais kong basahin itong taon. At siguro masyado na akong babad sa tumblr, naisipan kong maglielow muna doon, tutal wala naman nangyayareng makabuluhan sa akin lately. Para maiwasan ko din ang magrant sa nasabing website.
Pagtutuunan ko nalang ng pasni ngayon ang goodreads. Susubukan ko ding gumawa ng book review (Lord, help me.:O) sa mga natapos kong libro. Uh sisimulan ko sa The Perks of Being Wallflower nalang.:) At susubukan kong i-achieve ang ginawa kong challenge itong taon: na makabasa ng 50books.
Lumeleveling ka na, Tine! Woot! CHEERS!
19
Noong January 19 (paumanhin kung huli ka na sa balita, blogspot) may natanggap akong mensahe sa ym. Hindi ko inaasahang mensahe sa isang tao na pilit ko nang kinakalimutan. Bahagi nalang kasi siya ng kahapon, na pilit kong binubura sa aking isipan. At pagkatapos, malaman laman ko nalang, nag-iwan sya ng mensahe sa ym ko na puros kadramahan! Syempre, ang abang lingkod nyo naman eh ay tao lang, marunong maantig, makunsensya kaya (sa tingin ko) pinatawad ko na din ang sarili ko sa mga ginawa nya sa akin.
Nakakainis lang kasi: bakit ko ba naisip na i-unfollow sya?
Nakakainis lang kasi: bakit hindi nag-work ang mga nararamdaman namin sa isa't isa?
Nakakainis lang kasi: bakit kailangan humantong ang lahat sa ganto?
Nakakainis lang kasi: bakit hindi ko nalang dinedma?
Haaaay, nasasaktan na naman ako. Sinasaktan na naman niya ako. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko, sa mga nakikita kong pinopost nya. Feeling ko ako nalang ang lagi nyang pinapatamaan, ganon din siguro ang naiisip nya sa mga pinopost ko. Asa, Tine. Kalma lang. Hindi na mababalaik ang mga nangyare na. Haaaay.
Sunday, January 16, 2011
Least Expected
Naitanong ko si Tam (di ko na matandaan kung anong araw yun) kung paano natutpad ang mga pinagdarasal nya. Sa kadahilanan na nabubuanag na ako kung paano ko matatanggap ang aking inaasam-asam. Ito ang sabi nya, "pinagdarasal ko araw araw. tapos isang araw nakaligtaan kong magsabi tungkol dun at ayun na yung binilhan ako ni Daddy ng cellphone".
Napaisip ako. Ah ganto pala yun. Kahapon, sa di inaasahan nakaligtaan ko nang magsabi ng dasal sa Poong Maykapal (ahhm tuwing umaga ako nagdarasal.:D) dahil ihing-ihi na ako. Ang lagi ko lang naman hiling sa Kanya na sana maisakatuparan ko na ang career training na ninanais ko simula palang nung 2008. Dahil nga sa di inaashan, may nagtext sa akin na number bandang tanghali na. Nasa reception na kami ng binyagan ni Miggy, sabi ng text nya "Pls. standby next week as our US partner is scheduling an interview for you with a hotel in the US. I will text you when i get the final details. Olive of First Place"
Ako naman ay nagulat sa aking nakita! Hindi na nakakain ng maayos dahil sa nakitang mensahe! Ang akin nalang nasambit ay panay pasasalamat sa Diyos sa biyayang hinihingi ako ay unti-unri nang matutupad! :) Naabot ko kay Ate Fannie ang cellphone ko sa kanya para maipakita ang text. Medyo nanginginig pa ako nun sa excitement. Mukang sya din ay na-excite, tinawag si Ate Lahnie para basahin! Napuno ang mga mata ko ng kagalakan at kaba dahil ang inaasam asam ko ay matutuloy na!:D Walang humpay ang pagpepraise ko kay Lord God our Father dahil ito na ang isa sa mga pagkakataon ko na matupad ang aking mga pangarap! Mukang lahat ay naayon na sa kagustuhan Niya.:) I do hope na matuloy na ito sa tulong ng aking faith kay Lord God.:)
Medyo nag babluff na din kaming lahat. Parang nung Thursday lang, nagtanong si Ate Lahnie kung anong balita na ba sa inaapplyan ko! Naisambit ko nalang sa kanila, " tatawagan ko bukas na bukas ang FPI." Naiblog ko din ito sa tumblr, pero ang laman ng blog na yun ay pawang kalungkutan at pagsisisi. Mabuti nalang tinulungan ako ni Karl upang maging optimistic!:) At mabuti ay sumunod ako sa mga inadvice niya!:)
Sana ito na yun! Na-eexcite na ako na medyo kinakabahan kasi dapat ay maipasa ko ang interview para makamove on na ako sa susunod na step. Yun ang practice sa interview ng embassy at yung mismong embassy interview! Sana ay gabayan pa din ako ng Mahal na Ama para masuklian ko na ang mga paghihirap ng aking mga magulang at kapatid para maisakatuparan ko. Ako'y tuluy-tuloy pa ding mananalangin upang humingi ng tulong at confidence sa mga pagsubok pang haharapin ko. At hinding-hindi na din mawawala ang landas.:)
Oh Lord, may You bless me with your love and guide me in every path that I take. And I pray for the health of my parents and safety for my siblings. This I ask in Your most Holy Name. Amen. ♥
Friday, January 14, 2011
Novena
After ilang months, nabuo ko din ang novena ni St. Jude.:) May kakaibang feeling akong naramdaman nung natapos yung misa. Para akong lumilipad sa ere sa kagalakan kasi sa wakas, nakabuo din ako! :) Nanghinayang kasi ako sa simbang-gabi, pero atlis ngayon panatag ako na sa 9 na araw mong ginugol sa pagsisimba baka ito na ang maging sign ko para sa akin minimithi! :) Maging positib lang sa mga mangyayare sa buhay at baka dumating na ang ninanais ko! :)
Alam kong may mga kamalian din ako sa buhay na paulit ulit kong nagagawa, gaya ng pagkukumpara ng buhay ko sa iba. Naalala ko ang katagang iniwanan ni Jodi Sta. Maria sa You Are The One, "you're busy comparing yourself to me!" (something like that.lol) kay Toni Gonzaga na medyo nanliwanag ang akin pananaw. Masama pala yung ganon noh? Mas lalo ko kasing dinadown ang sarili ko, eh ang sarili ko din naman ang tutulong sa akin para makamit ang mga pangarap ko. Kaya nga sa twing nagdadasal ako sa Diyos, pinapanalangin ko na sana tulungan Niya akong tanggalin ang mga negative ions sa katawan ko.:) Na sana tulungan Niya akong makabangon muli. Na sana biyayaan Niya ako ng knowledge na kung saan maging confident na akong humarap sa pagsubok ng buhay. At na sana makaganti (in a good way) na ako sa mga magulang ko, lalo na kay Mommy na masuklian ko ang mga nagawa nilang sakripisyo sa akin.:)
Depress ako ngayon, feeling ko kasi wala na akong silbi sa buhay. Ang mga kaklase ko na di ko akalaing makakapag-abroad ay masaya na sa mga nakamtan nila sa buhay! Kaya din siguro di ako umuusad sa buhay, kasi mahilig akong magkumpara kung ano ang mga nakakamit ng tao sa akin which is not a good idea pala.:| Kaya nga ako thankful ngayon, kasi nailabas ko yung mga hinaing ko sa buhay. May tumulong sa akin na isang kaibigan na handang sumoporta sa mga gagawin kong desisyon. Maraming salamat pala Kaloy, kahit di mo nababasa 'to alam kong all the way kang nandyan para sa akin.:) Salamat din kay Louie na pinatawa ako sa mga kagaguhan namin. At syempre di rin naman maisasakatuparan ang mga hakbang na ito kung wala ang aking pamilya.:)
Sana dumating ang pagkakataon na yun noh? Basta ba Tine, wag kang bibitaw sa Diyos lahat yan ay mangyayare. (ahhhh.. sarap naman marinig ang mga ganyang kataga.:D) At ang the rest ay susunod na.. Ayoko muna ispoil.:)
/magulo talaga akong magblog, pasensya.:(
Sunday, January 2, 2011
2011 Yearly Horoscope for Leo
This is the year of expanding your mental and physical horizons, Leo. Expect loads of travel and awesome adventure in 2011, especially between March and June when a barrage of planets enter fellow fire sign, Aries, sparking your sector of foreign travel and higher education. You’ll be pondering some of the deeper existential questions like the meaning of life, who you are and why you’re here on a daily basis. Nothing is taken for granted, as life becomes one giant college campus dishing out one lesson after another. An overwhelming desire to see the world, experiment with new philosophies and indulge in scholarly pursuits become potent themes for the course of this dynamic New Year!
Mental pursuits of all stripe dominant your time and attention for another year as Saturn continues his residence in your communication sector. Finding your true voice becomes a spiritual practice. Expressing yourself through carefully cultivated word choice proves especially rewarding. If you’ve ever wanted to write a book, learn a new language, go back to school or take up some radical new course of study, 2011 is your year to take the risk and make your literary dreams come true.
Pluto continues working you to the bone in 2011 through the extended transit in your work and health sector. You’re beginning to actually get accustomed to the emotional gutting as the Lord of the Underworld dredges up each and every repressed emotional issue you’ve ever had with authority figures. You’re coming into your own power the hard way — but this is the kind of self-possession and confidence that becomes an integral part of your being and thus can never be taken from you.
Romantic Saturn, the karmic taskmaster continues his tutelage in the realm of relationships for the entire year. Expect more testing on the self-love scales as you’re called to evaluate which relationships pan out in a close to equal give and take ratio and which completely suck you dry. Any and all ties that waste your time and cut into self-esteem must be severed. It’s high time you know your value Leo: no more settling, and definitely no more desperate measures.
You’ll no longer be able to give yourself short shrift or buy into co-dependent dynamics that put your needs on an eternal backburner. You’re learning the hard way how to love yourself the way you want and deserve to be loved. Relationships must honor, dignify and respect your noble qualities to pass Saturn’s stringent litmus test. But the good news is that you’re learning to stand up and voice your romantic needs. No longer will you fall prey to the trap of giving in hopes of getting — and that makes all the difference.
Beauty and love abound just in time to make it one glorious summer to remember. Venus, the goddess of beauty of love will grace your regal constellation. Book special beauty treatments, give yourself plenty of playtime and vamp up your online profile because mating season will have officially begin. And just as things start to get interesting Mars joins the romantic cause. The libidinal planet brings sexy back in October and November.
Career
Get ready for the big time Leo as the almighty luck of generous Jupiter showers you with ridiculously glamorous and lucrative opportunities. Starting in June, Jupiter enters the money sign, Taurus and lights up the tip-top of your horoscope for the second half of the year. Nothing is better for self-confidence, money and worldly status. And we’re not talking chump change either Lion, we’re talking the kind of cash flow with the power to take you out of debt and way beyond the dreaded status quo.
Investing in travel and furthering your education are possible ways to expand your professional portfolio for the first half of 2011. With an impressive infusion of planets firing up your travel and education sector this spring, your restless instincts come in handy. Ingenuity, risk-taking and new approaches to work and career are all celebrated career themes in 2011. Sitting back doing nothing or attempting to follow the old course of action will get you nowhere fast. If you’re ready to exceed your current plateau, take the plunge. Nothing ventured, nothing gained.
Venus brings her yearly monetary gifts in late July early August this year. Autumn is your busiest work period when Mars, the planet of action and aggression powers through the Leo stars. You’ll have no problem going after what you want with total finesse, charming the socks off everyone you meet. You’ll have the energy and ambition required to get things done so use this high-energy time to make it all happen. When Neptune enters your financial resources sector between April and August, imaginative thinking and glamorous pursuits open untapped money channels.