Monday, December 27, 2010
Friday, December 24, 2010
Happy Holidays!
Wednesday, December 22, 2010
Cook..look!
Monday, December 20, 2010
Nakakasad.
Magna
Sunday, December 19, 2010
Friday, December 17, 2010
Seventeen

- Pagkabigay na pagkabigay ni Erpats ng 3K, dumerecho kami ng kapatid ko sa Divisoria. HAHAHA.
- Inabutan ng ulan.
- Nakipag-away sa barumbadong nagmomotor nung patawid sa Abad Santos. Pinakyu ako eh, nakaharang daw ako. Eh kamusta naman naka-stop kaya tapos aarangkada sya! Aba, di ako pumayag sa kagaguhang asal nya, “pakyu more!” sabi ko, para quits!
- Bumili ng kung anu-ano. Pinatos ang buy one take one shirts. HAHA.
- Napagod. Kumain sa Mang Inasal. Punyemas, 30minutes bago dumating order lipas na gutom ko. Naka-round 2 lang tuloy na unlimited rice. Haaay.
- ANG PUTIK SA DIVISORIA! Nakakahayblad mglakad. Asdfghjkl!!!
- Isang oras na natrapik sa Avenida. Puti na mata ni Ate na naghihintay sa may UST.
- Pasadong alas syete nakarating sa Uste, lupaypay.
- Lakaran ng lakaran. GANON LANG BA TALAGA DUN??
- Nagalit si Ate na Alumni, di daw sya nakapagpaic sa “UST”. LOL tagal kasi namin.XD
- Piktyur piktyur. Libot libot. Wala naman akong nakitang kakilala. HAHAHA. Saaaaad.:|
- Naisipang umuwi ng mga alas nwebe. Pagod eh. Dumami na ang tao. Pfft.
- Alas diyes nasa bahay na.
- Pagkapahinga naming tatlong magkakapatid, si Ate pakwela pa! Pinapili pa kami sa mga kamay nyang nakasara. Pinili ko left.. At eto ang nakuha ko..

- WAHAHAHAHA!!! Ang babait ng mga tao ngayon. Paparty na ako nito bukas! Tara?
Thursday, December 16, 2010
Monday, December 13, 2010
Lewang
Tinext ako ni Aliw:
Tine, gora ka na sa Saturday ha, aketch na bahala sa fareness mo.. hehehe. akin ka sa saturday! mwah.:*
Uhh.. ehh..
Isang linggo ng punung-puno ang messages ko, dahil sa gustong mangyare ng mga barkada ko nung college na magkaroon kami ng reunion. YES REUNION! Magtatatlong-taon na kaming graduate at pare-parehas mga walang trabaho. HAHAHA! Nasense ni pakner na ako lang ang hindi nagrereply sa mga mensahe nila. Hindi sinasagot ang mga tawag nya. Well actually, ang ganda kasi ng ringtone ko eh, pocketful of sunshine. Hehehe. Sasagutin ko na sana, kaso nahuhuli ako lagi. LOL.
Nahalata nya na umiiwas ako, wala kasi akong bread. Punyemas yan. (What’s new, Tine?) Ayoko lang sabihin sa mga may kaya kong classmates ang “alibi” ko, kaya mas pinili kong wag magreply. Tapos makikita ko yung text ni Ma’am Hernandez (haha prof na kasi sya.LOL) naka-ALL CAPS pa ah na pumunta ako sa Saturday. Siya na daw bahala sa akin. WOW. Hahaha, nagalak naman ako.=))
May pinoproblema pa ako, kailangan daw naka-dress. Tipong summer dress daw hindi yung mga pang cocktail. Eh wala akong dress! Hindi ako nagdidress.Mukha akong bakla pag nakadress. Nagmumukha akong hanger pag naka-dress!
Syet lang, ang aarte nyo talaga! Bahala na sa Sabado. Excited nako. Hihi. <3
Define Atat.
Daddy: o kamusta ang inaapplyan mo?Ako: Huh?Daddy: ano palya na naman?Ako: (ANO!!!??) Ahh yun, wala pang tawag eh.Dadddy: Wala pa bang offer?Ako: meron, pero di ko tinanggap eh.Daddy: bakit?Ako: eh front desk yun eh.Daddy: sana con.. con.. ano nga ba yun?Ako: Concierge.Daddy: bakit hindi nalang yun?Ako: parehas lang yun. saka mahirap daw yun ehh.Daddy: ahhh sabi ng kaibigan mo?Ako: oo, at..Daddy: walang tip.Ako: (alam nyo pala eh..) oo.Daddy: eh bakit di ka nya ihanap, di ka maghanap.Ako: di ko trabaho yun. Sila gagawa nun.Daddy: eh pano na yan, gang ngayon eh wala naman pala.Ako: edi maghihintay.. (saka sana po wag nyong isipin muna yan, ok?)
Blogspot > Wordpress

Sunday, December 12, 2010
What God wants..

(1)
Saturday, December 11, 2010
Girly
kanina, nagpunta kami sa Divisoria. namili ako ng mga kakaibang damit na tipong di ko kayang isuot sa unang pagkakataon. hahaha. pero susubukan ko nang bumili ng mga ganong klaseng damit simula ngayon, ano ba dalawampu't tatong gulang na ako, kailangan ko ng pagbabago at umarte ayon sa aking tunay na edad! hahaha.

Monday, December 6, 2010
Condom
- Last week, nung umuwi kami ni Rachel galing kila Ate Fannie naabutan ko si Nanay Auring na kausap ni Mommy. Naririnig ko ang usapan nila na patungkol sa pag-iintern ko. At first, medyo naiinis ako. Kung bakit agad kinukwento ang mga bagay na wala pa nga sa kalagitnaan ang mga na-aaccomplish ko! LAKING BWISET KO TALAGA! Pero makalipas ang tatlong araw (ata o apat), sinabi sa akin ni Mommy na pinahiram na kami ni Nanay ng titulo. ZOMERGER!! YUN PALA AYUN OH! Laking tuwa ko naman at bukal sa looban ni Nanay tumulong.=)) One down, mga pre! ONE DOWN! Woot!
- May pinoproblema pa ako. Paano pala ang 5K USD? Pero nito lang, mga alas ocho o alas nwebe ng gabi, habang kausap ni Rachel sila Ate Lahnie sa telepono, etong si Mommy (sha ulet?hehehe) binalita sa akin na sinabi niya kay Ate Lahnie ang mga kakailanganin kong pera dito sa training na ito. Ako naman ay nagalak ng todo todo! Hindi ko alam kung yung sa 5K USD sya mag-aabono muna o yung pang airfare ko. Pero syempre sa akin, malaking tulong na yun!! Pinapangako ko na babayaran ko sya balang araw! Medyo naluluha na ako kanina ah! Nakaktuwa lang, at iba pala ang naiisip ko na baka di sumang-ayon sila dito sa balak ko. Yun pala todo ang suporta nila sa akin!:)
Tuesday, November 30, 2010
YEY!
- woke up @ 5:45am.
- i prepare my things for my interview that will be held in UP Bahay ng Alumni.
- drink coffee then take a bath
- prepare again. lipglossing.lol
- i packed sandwich for later's lunch.
- 7:45, went to UP.
- 8:30, i arrived
- ATTENDANCE
- i'm friggin' late!
- at exact 9:00, orientation begins.
- at 10:30 orientation's done!
- Mr.Rick of Hyatt Regency and Ms.Victoria of Pan Atlantic were our guests-slash-interviewer.
- first batch
- then lunch
- i feel sleepy, Paw was called and went home already.
- now, i'm perfectly lonely with those graduating students.:|
- took a nap, about 10minutes..i think.
- break for Ms.Rick and Ms.Victoria
- i was called to enter the room
- my interviewer is Ms.Victoria
- at 3:30pm..MY TIME.
- overqualified.lolwhut?
- not be able to look for a job.whatareyousayin??
- and i'm not in. boo.:((
- so i said this to Ms.Chit.
- clarify some things..
- then i went back to Ms.Cris.
- Ms.Victoria called me that she's very sorry of what she'd done.
- then ask me if i'm working to my job as full-time, then i say, YES!
- then..
- I'm IN, BABY!!
- YEHEEEEEEEEEEEY!
- this calls for a celebration!!!
- PESTO for the GVness.
- so i went to Trinoma, :3
- went home, and share these to my folks.:">
- HAPPINESS!!
- so, i'm be waiting for the email by this thursday or next.
- yay!
- then, step two. phone interview or via skype.
- :)
Friday, November 26, 2010
Apat na Araw
- busy sa pag-aasikaso ng internship.
- sa wakas pumayag din sila mami na ipursue ko to.
- at sana wala ng bawian.
- matagal ko tong inasam na matuloy, sana eto na nga!
- naging supportive naman si mami sa mga kailangan kong requirements.:)
- sinasamahan nya talaga ako, at malaking tulong yun.
- syempre naantig ako ng sobra-sobra.:))
- at dahil dito, mas dumarami ang maliligayang araw namin dalawa na poreber kong itatago.:)
- nakakapagod ang mga nangyare kahapon pero worth it naman!
- si Ms.Beck at Kaye, nagulat ako sa pagtulong nila.:))
- nakakaGV talaga.
- tas after 6years nakapag-Banang ako with Ate fannie and Rachel.
- edi ako na ang mababaw.
- SALAMAT SA MGA NAKASAMA KO KAHAPON. Sobra sobra ang GV.:)
- speechless ako sa kaligayahan. hehe.
Sunday, November 21, 2010
HPatDHP1

- bago nanuod pumunta ako ng UP saglit para kumuha ng requirements para sa Internship. WALANG URUNGAN TO!! Dapat sa 29 makapagpasa na ako. RAWR!
- nauna sila Kaloy at Gab sa Megamall.
- After 40minutes akong dumating.
- Mga 1:30 dumating si Methz.
- Si Alwyn naman mga almost 2pm.
- Si Jolo dumating na nung umoorder kami na ng food sa KFC.
- at biglang tinanggal yung "sold out" sa Double Down.
- nabuang kaming 6, karipas sa counter at bumili ng DD!=))
- nanuod na ng HP.
- THEMOVIEISSUCHANOZZUMFLICKTHATIMWILLINGTOSEEITAGAIN!!!
- Mcdo muna.
- then videoke.. wala ng hiya hiya ito!! sayang wala na si Kaloy, pumunta pa kasi sa meet up eh. LOLs.

- nag-enjoy naman tayo diba kahit tayo tayo lang?:)
- nang umuwi si Methz, humirit pa tong si Jolo na kumain ulit.
- nagsiomai at buko juice.
- chikahan about sa tumblr sa may food court.
- hinatid si Alwyn na makasakay ng bus.
- nagbus na din ako. leche, ayoko na ulit umulit magbus, nakakaHIGHBLOOOOOOOD!!
- HAPPINESS.
- the end.:p
Kinse
Nung Huwebes, nagkasabay kami ni Ate Fannie magnovena sa St.Jude, pagkatapos nun naisipang pumunta ng SM para subukan ang worth ten pesos. Kinse na pala sya. Bumili kami ng makakain sa KFC na sa bandang huli pala ay bawal magdala nang makakain unless binili sa snack bar ng cinema. Kinain namin ng fries sa may hagdanan, gumawa ng aksyon na di makikita ang burgers namin.:) Nang isusurrender na namin ang tubig na binili namin sa may dept. store. Ayun pala pupwede magdala ng tubig! Kaya tawa kami ng tawa papasok sa sinehan. Ang pinanuod pala namin yung Letters of Juliet. Worth 15php lang daw talaga yun sabi ni Ate.Biyernes, akala ko bibili na si Tam ng telepono ayun pala eh magdedate kaming tatlo nila Mary Joy dahil sumahod na sya sa paluwagan. Trinit nya kami ng McSaver Meals. At kami na ang sagot sa sine na kinse pesos ulit.:D Pinanuod namin ang American Virgin. Sa murang halaga na kinse pesos, mapupunan mo ang kalungkutan dahil sa palabas na to. O ako lang ang nakaramdam ng kaligayahan sa pinanuod namin?? Hmmm...
Ate Lahnie
Pasensya na kung di ko magawang replyan ka sa tinext mo sa akin nung isang araw, kasi naman parang nahurt ang pride ko, parang tinuturing mo akong kasambahay nyo na may tinapos. Hindi naman sa ayaw kong tumira sa inyo, naiinis lang ako sa sarili ko kasi di ko magawang gumalaw dun kagaya ng mga nagagawa ko dito sa bahay. Respeto ba, ayoko kasing masumbatan.Pagpaumanhin kung napili kong di pumunta sa inyo, hindi ko talaga kayang magtagal sa inyo. Hanggang dalawang araw lang talaga ako sa inyo. Yun.Love,Tine
Wednesday, November 17, 2010
Kimboboy
- nanuod ng Hellcats, at Glee
- dumirecho ng Makati na nagbabasakali na mainterview sa Blenz Coffee.
- kaso indi pala.
- pinaghintay ni Pau ng alamost 2hrs.
- pumunta ng Makati Med.
- may free iced balck and white mocha.:)
- pumunta ng Glorietta, nagliwaliw.
- nagdepartment store. naghahanap ng black polo shirt.
- Kumain sa Mr.Kimbob, isang bagong food chain sa food court ng SM Makati.
- bumalik ng Makati Med
- nilakad ang kahabaan ng Dela Rosa hanggang sa MM.
- nagbus na doon hanggang UST
- nakakita ng pandurukot ng cellphone. KATRAUMA!!
Monday, November 15, 2010
Where You At?
Sunday, October 17, 2010
101610
Tumblr Meet Up @ Seaside
i just got the photos that i'm included. so, there..
with Louie, Allen, Kate, Methz, Meeee, Jolo, and Mikee.:))
i'm proud to say that these people are my friends. uber COOL.:))
***i'm so lazy to make kwento! i am sorry.:( but i'm happy to see them again. ha!
my sister kasi, she don't lend me her digicam.:| kaya these were the only pictures I had.:(
Friday, October 15, 2010
18th
Syempre kaya wala ako dito, ako ang kumuha ng pic na to. (Si dadi di nakatingin.D;)
Naging maayos naman ang celebration ng boitday girl na si Tam. Spoiled eh. Kaso di pa nya nakukuha ang hiling nya. Ewan ko lang kung bibilan talaga sya ng cellphone.
Tawa ako ng tawa sa mga oras na yan. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganun. Eh sa totoo lang i am sad. LOL.
Anu ba ang mga naganap? Di ko na maalala. O ayaw ko lang talagang magkuwento. Err, ganun nalang nga siguro.:(
:D
Thursday, October 14, 2010
Tam
Birthday ngayon ni bunso at alam ko sa part nya na masakit malaman na walang syang handa. O paeklat lang yung nila Mommy?? Sana naman pagbigyan na sya na magkaron ng bagong cellphone kahit at some point naiinggit ako on my part pero syempre mas natutuwa kung matutupad ang kahilingan nya.:)
Disi-otso na sya. Oo, 18 lang yan. Mas muka pa akong bata sa kanya. HAHAHA.
Sana magkaboyfriend ka na. Wag mo na kaming hintayin ni Ate Erika na magkaron kasi mukang malabo ata na magkaron kami nyan. HAHA.
Pagpasensyahan mo na si Ate kung di kita mareregaluhan. Kung di kita nalilibre. Ayoko naman mangako sayo na balang araw may ganto o ganyan ka sa akin. Tignan nalang natin.:) At sana magkawork na ako para matikman mo naman ang katas ng sweldo ko.:)
Salamat ng marami sayo. At kahit hindi ko naman sabihin sayo, mahal na mahal kita.:p Tangina, napakacheesy.XD
Wednesday, October 13, 2010
~*Fr!3nD$+3r*~

Dahil wala akong magawa ngayong gabi at pinag-uusapan din kasi namin to ni Nick ang friendster, ayan binisita ko yung aking acct. HAHAHA. Actually 2nd acct ko na to eh. Binura ko yung 1st acct ko(Nov 2003), dahil marami nakong friends dun, ayun binura ko. Tanga lang diba? HAHA.
Anyhoo, ano nga ba ang nakakamiss sa Friendster?
- SURVEY. Ang Bulletin ay punung-puno ng kung anu-anong survey.
- IMEEM PLAYLIST. (atbp. pang playlist.lol) Yung tipong pagpunta mo sa isang page tutunog na yung tracks ka agad. Every week nga non iba iba ang playlist ko since may acct. ako sa Imeem nun. (Ngayon ko lang nalaman na nabili na pala ng Myspace ang Imeem.)
- I’m a Fan of../Groups Ngayon ko lang napansin na naadik din pala ako sa Twilight Series. Sila ang pumuno ng Fan Page Corner ko. HAHAHA.
- Testimonials. Sino ba ang walang testi? Lalo na yung ~*umiisparkle*~ na testi lalo na pag birthday mo. Longyo lang.
- Layouts. yung background ng acct mo. Nu ba.
- Who Viewed Your Profile. Walang kawala ang pagsto-stalk. Ha! Buti nalang wala ng ganon sa Facebook. :)
- ~*J3j3m0ns*~. Yan ang naging lungga nila, nung di pa sila expose sa media.
So long, Friendster. You'll be missed.
Away Gulo
Ale 2: sorry po. di ko sinasadya.
Ale 1: tangina na naman kasi eh, di nag-iingat!! ano ba!
Ale 2: (napahiya ata, nilakasan na ang boses) sorry nga po. pwede naman tanggapin diba?
Ale 1: di kasi nag-iingat, bwiset na buhay to oh!
Ale 2: (napikon na din ata) kung ako po sa inyo, kung nasisikipan kayo at mainitin ang ulo nyo, advice lang.. WAG KAYO MAGMRT!!!
Ako: (sa isip) oo nga naman. lahat tayo nahihirapan at gusto mapadali ang byahe.
Ale 1: ang sakit kasi ng takong mo, papakita ko pa xray ko sayo eh!!
Mga pasahero: XRay? Xray? Hahaha. Gumaganon pa! Umalis ka dito. Lahat tayo umiinit ang ulo pag nasa MRT. Magtaxi ka kung nasisikapan ka. Arte nito.
Ale 1: (nagwalk out) MGA BWISET KAYO!!
Ako: (sa isip) ayy walang breeding si ate.
Ale 2: Oo, mayaman kasi kayo..
-----
KAIRITA TALAGA YUNG MGA GANTONG PASAHERO. NAKAKAINIS LANG MASAKSIHAN ANG GANYAN SA LOOB NG MRT, KE-AGA AGA ANG DUDUMI NG BIBIG. -_-
Kariman
Ikukuwento ko nalang nang nakabullet ah?
- Gumising ng 5:30 pero bumangon ng mga quarter to six.
- Inaayos muna ang gamit bago maligo.
- Hindi inaalintanang malelate ahh, ang kupad pang kumilos.-_-
- Alas syete na nasa bahay pa din ako.
- Almost 8 nako nakasakay ng MRT.
- At may gulo pang naganap. Ibablog ko mamaya.
- Mamamatay nako sa gutom, ang kupad ng tren.
- Dumaan muna sa Mini Stop at trinay ang Kariman, infairness masarap. Sa presyong 20php not bad.:)
- Malelate naman din ako, eh sarapan ko na ang pagkagat sa kariman! hahaha!
- 9:02 ako dumating sa Pancake House, napagalitan pa ni ateng receptionist. Ampupu.-_-
- Ang bilis, mga ilang minutes tinawag nako for my interview.
- PUTANGINAAAAAAAA, nakakakaba.:|
- Bahala na kung ano lumabas sa bibig ko.
- Uhm, Err, Ahhh.. Sheeeeeeeeeet. kdjvjfb njeobw!!!
- Ma-inspire ka naman Alelli sa mga sagot ko pleaseeeeeeee.:))
- "Uhm, i'll inform you by friday is that okay with you?"
- "Ahh,, what? WHY NOT NAO FOR MY OWN SAKEEEEEEEE!!!"
- sa isip ko lang yan. hahaha.
- "Okay" *flashes a smile*
- Oh.. Di ba pag ganon, alanganin na?:|
- Bahala naaaa.
- Samantala..
- Maaga pa naman, puntahan ko na din ang PR Travel Consultants sa may Manila Pen.
- NagMRT kahit isang station lang. Sayang. Wala kasing FX. Uhhh sabagay, ganun din pala ang presyo. HAHAHA.
- Ayun pinagpasa lang ako ng Resume as i expected.-_-
- Umuwi na kahit gutom na gutom na at tinatawag na ng kalikasan!!
- Saktong 12 nasa bahay na.:)
OH TAPOS? Wala lang. LOL.
Sunday, October 10, 2010
10-10-10

Kasama si Rachel, nakitulog kami kila ate Fannie at Jade sa Makati at umalis nalang ng maaga kanina. Actually saling pusa lang ang pagtakbo namin. Kumakatawan kami sa San Juan City na kabilang ang aking ina. Isa kasi syang guro sa hayskul at isa sya sa mga magbabantay sa mga un.:)
Ito ang mga kuha namin magkapatid.:))


meeee.:)








number. naks.:)
Thursday, October 7, 2010
Eat, Pray, What
Kahapon, dahil katamad nang sumipot sa Ameinri Agency na yan since nakakapikon sila sa pagiging organize hahaha.. Nayaya ko si Brends na manuod ng Eat, Pray, Love. Dapat sa trinoma kami, since 190php ang sine doon lumipat kami sa SM North. At eto pa, less 50php ang EPL doon. Oha!! Nakatipid.XD
What can i say about the movie??? I MISS JULIA ROBERTS!!! Nakakastarstruck syang makita muli sa pelikula. Paano pa kaya kung nakita ko sya in person? PATAY NA! Bagay na bagay talaga sa kanya ang role as Liz Gilbert. :)
Eat tackles about Italy! Kung gusto nyo daw pag-aralan ang isang bansa kagaya ng Italy start from the food. And they speak with their hand gestures! Nakakaenjoy yung part na yun. Ang OA pala nila sa paggalaw ng mga kamay nila. At malaki ang break nila. Mahaba ang araw para magsiesta. At nakakainlove tuloy pumunta dun. Promise, gusto ko talagang makapunta dun. Someday, makakatapak din ako don.:)
Pray - India. Meditation. Surrendering yourself to God, yan ang natutunan ko habang pinapanuod ko ung movie. Always give time to talk to God. Wala naman tutulong sa atin kung hindi Siya.:) Kainis lang parang minadali yung part ng India sa movie.:|
Be Loved in Bali. Nahanap nya muli ang pag-ibig nya sa bansang to. "Everybody needs a love affair in Bali", wow parang gusto ko tuloy pumunta doon baka doon ko makita si Mr.Brightside. Hahaha!
Btw, here's some of our pics..:))
my partner in crime, Brends..:)
kaaaalat namin kumain..
seryoso nga kasi sya. hehe..
ako po yan. :)
ibang pwesto naman.:)
muka akong lalaki. Arghhh~
Wednesday, October 6, 2010
Q-U-I-T-T-E-R!!
So I quit again. This time for my chance to work with Atlantis The Palm, Dubai. So here's the story: My mom gave me an email address for me to send my CV to a "no placement fee" job abroad last week. Before the week has ended, I send my CV wishing that they'll call me ASAP. Little thing I know, they informed me via text that I'll have a Final Interview for tomorrow. (yes, that's today actually!) So I was so frantic about the news. Thanking God for opening me another opportunities, another window to prove that I still have chance.:)
It's my second time to go to that agency, the Ameinri Agency. The scene that I saw was not new to me. But this one was way hella not-so-organized as an agency should be. I am disappointed. They need to know the meaning of methodicalness.
It's almost 12, I'm not yet called. I'm so freaking starving and I just can't let it pass my starvation. Or else, say hello to acidity. Mr. Ulcer will definitely endure in my tummy.:|
So there, I quit. I just close the window of opportunity for me to work abroad. Mommy will surely kill me if she discovered this little dirty secret that i have.:((
Oh before that, here's some photos that I've got while waiting for my name to be called..
List of job vacancies. One day interview??
ze agency.
Lookie, the cutie who's keep on checking on me. HAHAHA. HNGGGG~
Monday, October 4, 2010
364
Grabe lang, 9months na pala akong tigang dito sa bahay.:| Para lang ako nagdalangtao. Ewan ko ba, bakit ako nagkakaganito. Bakit naduduwag ako sa mga biyaya (na sana) na pinagkakaloob na sa akin. Ang dami na ding araw na nagdaan, nasayang at lumipas heto parin ako nakatambay sa harap ng kompyuter. :|
Sa totoo lang, namimiss ko ang pagiging barista.:) Ilan dito ay ang mga..
- libreng drinks sa mga break
- ang paghuhugas ng mga kung anik anik.
- ang pag-aayos ng pastry
- ang pagkocallout.
- ang paggawa ng caramel macchiato.
- ang paglilinis ng bar
- ang pag-uwi ng umaga dahil sa inuman sa Garahe.
- ang pagstay sa store para hintayin ang mga closer.
- ang apron, cap, at shirt ko.
- ang tawagang "Bok" sa floor.
- ang pagbisita ng mga tumblr friends ko sa akin.
- ang buong establishment
Grabe lang, di pa din ako makapagmove-on. :(
Sunday, October 3, 2010
Paumanhin
Monday, September 27, 2010
Pagtatalo
kanina habang nanunuod ako, pinagmamasdan na ako ni mama. hanggang sa tinitigan ko na din sya ukol sa di nya pagkurap..
K: bakit?
M: wala lang. kamusta ka?
K: (nagtaka) huh?
M: kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?
K: ahhh.
M: ano nalang kaya.. mag-aral ka nalang kaya ulit.
aba aba aba. natuwa naman ako sa nasabi nya. gustung gusto ko mag-aral nung isang taon pa, nung pagkagraduate. gusto ko mag-aral ng abogasya pero pinigilan mo ko kasi sabi mo gastos un. GASTOS. eh lahat naman sa buhay ay may katapat na pera.
hanggang sa may karugtong pa pala ung sinabi niya..
M: mag-aral ka nalang kaya ulit. hmm kumuha ka ng kurso ng pagtuturo. magturo ka sa mga gradeschools. malalaki na sahod ng mga teacher lalo na sa public.
K: (patuloy sa panunuod)
M: huy ano?
K: ayoko.
the end.
ma, sana nagtanong ka pa. sana tinanong mo kung ano talaga ang gusto ko para sa ganon alam mo kung ano ang nasa isip ko. kung ano talaga ang sinisigaw ng puso ko. alam natin mahirap maghanap ng trabaho dito eh kung pinayagan mo na ako mag-aral ng gusto ko talaga di sana di ako nagkaganto o di naman kaya kung pumayag ka ng mag-abroad ako di sana nakakatulong na ako sa inyo. kaso lahat ng nasa isip mo panay, gastos gastos gastos. kaya di tayo umuusad eh kasi iniisip nyo agad yun. bakit hindi nyo isipin ung ikabebenifit natin?
wala na. tatanda nalang ako ng wala man lang nagawa para sa sarili ko at higit sa lahat sa inyo.
:|
Friday, September 24, 2010
Bogus.
FML = Friday, Malas Lang
- Glee songs from the episode, Audition
- Hershey's Dark Chocolate Ice Cream from mini stop
- California Maki Twister.
Friday, September 10, 2010
Domingo
- gusto kong mahigitan ang ibinigay mo sa akin.
- gusto kong matuwa ka sa ibibigay ko sayo.
- gusto kong mabalikan ang mga matatamis na pagtitinginan natin.
- gusto kong namnamin ang mga inihayag mo sa akin nung ako ay namomroblema.
- gusto kong hawakan muli ang iyong kamay.
- gusto kong maramdaman muli ang init ng iyong yakap.
- gusto kong awayin ka para masuyo mo ko ulit.
- gusto kong marinig ang mga biro mo na puros wala naman kwenta.
- gusto kong marinig muli ang iyong tawa pagkatapos mong ulit uliting binibigkas ang akin pangalan.
- gusto kong ibalik ang nakaraan, pero alam ko na di na mangyayare yun.
- gusto kong ibalik ang dating ikaw, ang dating ako, ang dating tayo.
HULI NA ANG LAHAT. MUKANG HINDI NA MANGYAYARE YUN. HINDING-HINDI NA. TAYO’Y SUMULONG AT TAHAKIN ANG MUNDO NA WALA NG “TAYO”.
Tuesday, September 7, 2010
Thang.
MAY THANG KAMI DATI. MAY THANG KAMI DATI. MAY THANG KAMI DATI.
/headspin.
Wow. Sa ibang tao ko pa pala maririnig to. Sa pinsan ko pa nanggaling tong isyu natin sa isa’t isa. Wow. Wow. Wow. Wow. Hanggang ngayon di pa rin nagsisink in yung mga nalaman ko.
Bakit di mo pinagtapat? Bakit hinayaan mo lang? Bakit ngayon pa? Bakit naibanggit pa sa akin? Bakit ang pipi mo? Bakit ang bulag ko? Bakit? Bakit? Bakit?
Ayoko tong nararamdaman ko. Dumadagundong yung puso ko. Ewan ko ba. Siguro nga may feelings pa ako sa’yo pero sana inamin mo din sa akin kahit pabiro nalang na meron ka din nararamdaman para sa akin pero wala eh. Tinabunan na ng panahon. Nawasak na din ang pagkakaibigan natin kasi umiwas ako. Naging busy ka. Ang tanga ko naman kung mag-aaksaya ako ng panahon para sayo kagaya ng pag-aaksaya ko sa mga bawat araw na lumilipas.
Hindi ko alam kung babatiin kita sa kaarawan mo o papalipasin ko nalang ang araw na yun ng tahimik. Tutal may iba’t ibang pananaw na tayo. Siguro nga na maglakad na tayo sa magkalihis na daan at huwag nang magkita pa.
Tama. Ganon nalang siguro.
Friday, September 3, 2010
Winelcome Rotonda
Hinanap ko din naman kasi ang bldg ng manila hearing aid pero nagbase pa din ako sa BPI a kitang kita ng mata ko. Sa sobrang inis, naglakad ako hanggang blumentritt to think may mini stop din naman sa may pldt. GAGO LANG DIBA? >_<
Wednesday, September 1, 2010
-Ber Month Na!
- 194 days na akong walang trabaho. Kailan ba ako sisipagin na humanap ng trabaho? Kahit yung hindi na related sa course ko. WAAAAAAAAAAAAHHHH.
- nakakabagot ng maging katulong sa sarili mong pamamahay.:((
- nakakapagod nang gumising sa umaga na alam mo na ang gagawin mo, kundi manuod, mag-internet, at gumawa ng gawaing bahay. Haaaayyy..
- marami akong gustong gawin kaso hanggang plano lang ako.
- alam kong naiinis na din sila mommy sa akin pero bakit hindi nyo kasi isumbat sa akin? HAHAHAHAaaaayyy.
- marami ang magseselebreyt ng kaarawan nila at sad to say wala akong pera pang regalo sa inyo.>_<
- may alis na naman si ate erika. i am so inggittttttttzzzz.U_U
- uumpisahan ko na ang pagbabago. kailangan nang magkatrabaho.
- putangina tine, umayos ka na! bente tres ka na.
- kailangan kong mabasa ng alcohol.
- malala na talaga ang katamaran ko.
- FML. i'm such a waste here in space. FFFFFUUUUU~
Tuesday, August 31, 2010
Date ba ang matatawag dito?
Eto ag iilan ko lang na mga pictures...


ayan si ako, kadate ang sarili. HAHAHAHAHA,

ubos na. after 15minutes? hahaha. kakahiya nga sa mga kaharap kong boys. HAHAHA.
Wednesday, August 25, 2010
YOU SANA
Nung makita ko ung asignatura, di ko nagets paano gagawan ng chart ang mga meat na yun. Edi ako naman si pasa kay Tam kung alam nya un gawin since major in HRM sya eh ako kaya ay graduate ng Tourism. Hindi ko gamay ang mga ganyan lalung lalo na sa pagluluto.
Tumanggi ako ng maayos. Sabi ko, "Hindi ko to alam eh." Bigla ba naman nagdadadabog?! ABA! ANONG MERON BIGLA KA NAGKAKAGANYAN?! PARA SABIHIN KO SAYO, KUNG ALAM KO NAMAN ANG GAGAWIN WITHOUT HESITATION I'M GONNA DO IT WITH ALL MY HEART. At di pa ako tinabihan sa hapagkainan?! Kumain ba naman sa may lababo? ABA TALAGA!! NAkakairita. Hay.. Ang sama talaga ng loob ko, tama ba naman mangonsensya? Ipagawa mo na lahat ng may kinalaman sa Turismo... O kahit tungkol na din sa Terorismo, magagawa ko yun panigurado eh napag-aral ko un eh.
KALMA. KAILANGAN MONG MAGING SI TOFFEE KALMA. K?
Pagsapit ng tanghali, almost one nakong nakaalis ng bahay. Tinapos ko pa kasi ung Desperadas. Hihi!. I have this feeling that this fucking work that Kaye offering to me is networking. And i was freakin' right. And guess what, it's USANA! ASDFGHJKLPIUY!!!! It's my second time to be dragged in this company still i did not say yes! Kahit ano pang sabihin nila, networking still a networking. Kahit pagbali-baligtarin nyo ang mundo, NETWORKING IS NETWORKING! Dumating ako sa point na gusto kong sumali, syempre sino ba ang di gustong kumita ng dollars diba? Pero come to think of it, where on earth will i get the 16K cold cash just to buy their products and for me to earn a 250 fucking points? WHERE ON EARTH I COULD FIND AN EASY MONEY? WHERE? The answer? Be a slut for three nights, there.. i'll have that moolah on my palm. BUT not anymore Virgin. Hell No. Helling the fucking NO.
Tuesday, August 24, 2010
4th Runner Up.
Miss Mexico Jimena Navarrete: What effect is unsupervised Internet use having on today's youth? Through an interpreter, she says the Internet is an "indispensable, necessary tool" and we have to make sure kids are using it according to family values.
Miss Australia Jesinta Campbell: What role should the government play in regulating potentially offensive clothing? "One of the greatest things we have is the freedom of choice...I don't think the government should have any say in what we wear."
Miss Jamaica Yendi Phillipps: Is the death penalty acceptable and why? "I believe that life is a gift...I believe that none of us as humans have the right to take a life."
Miss Ukraine Anna Poslavska: How do you feel about full-body scanners in airports? Through an interpreter, she says, "I think it's a very important question of security...if that helps us to save the lives of people, then I'm for it."
Miss Philippines Venus Raj: What is one big mistake you've made and what did you do to make it right? She says she hasn't made any major mistakes, then gives a shout-out to her family. "Thank you so much that I am here."