Ano gagawin mo pag pinaghintay ka ng kaibigan mo ng halos dalawang oras at sasabihin nya na hindi na kayo matutuloy manuod ng sine dahil may biglaang store meeting sya? ASDFGHFASDGFASD!!! Ayan ang naramdaman ko. Sarap magmura kanina.
Alam mo yun, nagawa mo na lahat ng pwedeng gawin sa loob ng powerbooks!Magscan ng mga photography books, kinalikot ang twilight saga journal na nakalagay pa sa canister, pinaglaruan na ang mga display na limited edition na harry potter stuffs ( wand, sorting hat, snitch at time-turner to name a few) at magbasa ng magazines.
Para di ako mabwiset, napag-isipan ko nalang manuod ng knight and day. Tutal alas dose palang nun at maaga pa para umuwi.XD
Ang blurred. XD
At first takot ako. As in, never in my 22 years na nanuod ako mag-isa ng movie. as in nevaaaah! Inisip ko nalang, “di ko naman sila kilala. kiber nalang.” Malaman laman ko, napapaligiran ako ng mga lovers. Sa harap at likuran ko panay thunders. Tongenuh lang. XD
Natuwa ako sa pinanuod ko. Walang kupas pa din si Tom Cruise sa action film. Na-oa-yan ako kay Cameron Diaz umarte. XD Pero oks lang, action naman eh. Eto mga trip kong movie kasi. :)
Pagkalabas na pagkalabas ko, nakangiti ako. Haha. Ang ewan lang eh noh. Isa kasi ang panunuod ng sine na AKO lang mag-isa na akala ko ay di ko makakayang gawin. Hindi pala. Parang gusto ko pa nga manuod ng letters to juliet (yep meron na sa glorietta, special screening kasi..) kaso naisip ko sakto lang pala ang nadala kong pera.
Mukang mauulit tong panunuod ko ng sine mag-isa. Ang sarap ng feeling.:p
“with me, without me… lalala”