Friday, June 4, 2010

Kay Daming Sinabi, Gumalaw Ka Kaya!

Pansin ko lang ah, kaya siguro bitter si ate at di ako pinapahintulutang gumamit ng internet araw araw kasi most of the time ako ang nakakaalam kung anu-ano ang mga bago sa internet. Haha. Okay pati to ginawa ko ng dahilan kung bakit nuknukan ang galit nya sa akin.

Unahin na natin ang Friendster. 4th year highschool ako nagkaron ng account sa social networking. At first, wala daw syang hilig sa mga ganyan since nakikita naman nya ang mga kaibigan nya at may ym naman. Pero nung kinalaunan, umamin din ang gaga. Sinabi nya sa akin isang araw na guamawa sya pero PERO di nya daw alam ung ginamit nyang password. (Weh, sino niloko mo?)

Tapos, nakita na naman nya na may bago akong kinalalagian ng mga litrato ko yun ay ang multiply since limited pa dati ang pwedeng mailagay sa friendster na mga pictures at dahil kasagsagan yun ng tour namin, ayun gumawa din sya. Tama nga naman daw ako, dahil natrauma na ako sa pagkaburado ng mga nai-save kong pics sa computer nung matuluyang masira ang motherboard ng computer namin, gumawa din sya.

Facebook. Be-sing busy sya sa social networking exclusively for Thomasians nang makita nya ako naguguluhan kung paano intindihin ang nasabing website. Akala naman nya maiinggit ako na may ganoon ang UST students and alumni, duh bakit naman? Care ko diyan! =)) Pero di pa un ang naging hudyat nya para gumawa. Isang araw magkatabi kami ng upuan sa computer shop ng marinig nya ako sigaw ng sigaw, kasi nilalaro ko ang pet sa facebook. Nauna syang natapos sa time, naririnig ko na syang nagbibigay ng advice na ganto, ay hindi ganyan kaya ka na tataya eh! Di naglaon, lahat na ng applications sa facebook mayroon sya. Hanggang dumating sa point na di na updated ang mga photo albums ko dun dahil wala namang magagandang nangyare sa buhay ko at dumating ang worse eh,nagbura ako ng account sa facebook.

One day, while watcing E!News, Ryan Seacrest keep on saying to follow him on Twitter. Then the next day, i search the said website and caught myself making an account so that i could've known what's happening to my favorite Hollywood celebrities. (Do you have to say this in english, tinay?XD) Isang malaking intrimitida talaga! Gumawa din sya ng account! One day nung sila lang ni boom ang nagnet tinawag nya ako,"Tinay, follow mo ko ah, gumawa na din ako ng twitter. Meron din palang account din ang mga local celebs natin? Hahaha. Finallow ko sila blah blah blah..." Ergh. Bwiset, pati twitter gumawa na din sya. Gaya gaya talaga. Pfft.

Nagsawa ako ng mga ilang araw sa twitter since wala naman nakikipag-usap sa akin at nagmumukang tanga lang ako daldal ng daldal ng kung anu ano, out of randomness gumawa ako ng tumblr. Bitter kasi ako that time, di ko napanuod sa mismong date ang harry potter and the half-blood prince sa sinehan. Kaya nagbabad ako sa computer shop, nakita sa mga updates nila kristine at trixie na via tumblr ang post nila, aba! syempre ako din dapat. =)) Pero after three months naman na gumawa si ate ng account dito, gusto nyo bang malaman kung bakit?? Nahuli nya akong tawa ng tawa sa mga kagaguhan ko at ang mga posts ng mga followers ko na may site pala na nag-iinteract talaga ang mga tao. Nakikitawa na din sa mga kalokohan namin, hanggang sa gumawa na ng account. Clinose din ang mga taong finafollow ko. Galit na galit pag natatagalan ako sa harap ng laptop dahil sa kaadikan ko dito.

So far, di naman na sya gumawa ng plurk, posterous at ng blogspot. Hay salamat. Dahil sa twitter at tumblr, nalalaman nya kung gaano ako katagal gumamit ng internet. Kung gaano ako naging active sa mga meet up dahil naipopost ng mga kakilala ko ay dis oras na ng paggamit nya ng laptop. Sad to say, di na maganda tong nangyayare sa amin. Dahil dito nagiging masama na ang ugali nya? Porket ba nagbababad ako sa harap ng computer naging mahigpit ka na sa akin at dumating sa point na di mo ko kinakausap? O nasa sukatan ba yan sa paggamit ng laptop eh paggamit ko naman to, kulang nalang di ako mag-ilaw ah para makatipid ka.

Eto lang ate, kung nagseselos ka dahil mas madami akong oras sa pagnenet ay wag mo na sanang ituloy yang inggit mo. Kung tutuusin dapat nga ako ang may karapatang mainggit sa iyo eh, may trabaho ka, ako wala. Nakakapunta ka sa mga lugar na nais ko dahil nga may trabaho't nakakaipon ka ako nagmumukmok nalang sa isang tabi,namamatay na sa inggit na buti ka pa nakita ang magagandang tanawin na mayroon ang bansa natin. Nakita mo na si milai, ang bestfriend ko na nakilala ko through text. at ang Singapore, ang isa sa mga gusto kong bansa sa Asia napuntahan mo na.O sino mas may karapatang mainggit, hindi ba ako?

Ako, na hindi makahanap ng trabaho, di man lang umabot sa final interview, hanggang screening pa din ang beauty. Ako na mapili sa mga inaapplyan kaya hanggang ngayon limang buwan ng walang nangyayare sa buhay ko, panay ang bahay ang lagi kong nakakahalubilo. Na kahit tulungan na ako ng mga kaibigan ko ay di pa rin nabigyan ng chance na makapagtrabaho, Huwag ka na sanang magalit sa akin. Tama na ang two weeks na tong walang pansinan, etong cold treatment na pinapamalas mo sa akin. Alam mo naman na hindi ako marunong magsorry, intindihin mo na sana yun. Nakasama mo na ako ng dalwang dekada, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa ako kilala? Ate, gising! Namimiss na kitang kakuwentuhan sa tuwing darating ka sa bahay. Yung mga tuluy tuloy mong kwento mo ng mga estudyante mo o kaya yung lovelife mo.

Sana pagbalik ko na galing pampanga, kausapain mo na ako. Sige, mamamalagi ako dun ng dalawang linggo (sana makayanan ko un) baka kasi naiirita ka na sa pagmumuka kong na laging nasa bahay lang, naghihintay ng tawag sa mga inapplyang trabaho via internet.Sana okay na tayo pag-uwi ko.Sana..

No comments:

Post a Comment