Wednesday, June 23, 2010

Piyesta ng San Juan

Bukas ay Araw ng San Juan.(ng Manila din pala) Nakakamiss lang kasi tuwing piyesta ay may basaang nagaganap na hanggang alas dose ng tanghali. Pati ang mga kawawang pampublikong sasakyan ay hindi nakakaligtas na mabasa kaya alam na ng mga taong na dumadaan sa San Juan pag dispiras ng piyesta. Maraming taong nasa may kalsada. Nagbabasaan.

Naging residente ako ng San Juan for 14 years pero nag-iba ang lahat nung lumipat kami sa Quezon City. Naalala ko nakikipagbasaan kami ng mga pinsan ko. Gamit namin plastik ng yelo. Babatuhin ang mga dumaraan na tao. Ang dumaraan na jeep. Isang piyesta non, nabwiset ako. Paano binuhusan ako ng tubig na malamig. (Ang nakakaasar dun eh nagyeyelo pa.) Kaya pag-uwi ko ng bahay, nagsumbong ako kay colonel (sa tatay ko) dahil sa mga ginawa sa akin ng mga tambay.

“Anak, kung binasa ka bukas( ika-25 ng Hunyo), dun kita pagtatanggol. Eh hindi eh. Hayaan mo na piyesta naman eh. Ang KJ mo lang. Wag ka nalang lalabas ng bahay kung ayaw mo magpakabasa.” sabi ni erpat.

Oo nga naman, naisip ko din yun. Kay laking pikon ko kasi.XD

Pagakatapos ng basaan, ayan na simula na ng pagpunta sa mga bahay bahay ng mga kaibigan ko. Kada bahay isang putahe lang dapat ang kakainin mo. Kung main course o panghimagas. O dun naman sa bahay na bumabaha ng alak. Na kung saan ang mga kakilala mo ay may tindahan. Haha. Kaya masaya din pag ika-24 ng Hunyo dun, libre ang alak. :)

Nakakamiss lang mamiyesta. Nakakamiss yung inuman. At nakakamiss maging residente ng San Juan. Akala ko buong buhay ko na tatanda na ako dun. Ayun pala hindi. Ganon talaga. Baka balang araw makahanap kami ulit ng matitirhan dun. Hehe.

Ikaw taga-San Juan ka ba? Pwede bang makipiyesta??:)

No comments:

Post a Comment