Monday, June 7, 2010

Mga Kinatatakutan Kong Nilalang..


DENTISTA - amoy palang ng clinic, di ko na makayanan ano pa kaya pag kinalikot na nya ang mga ipin kong bulok. hahaha. kasi ganto yun, mga grade three ako nun. pinandilatan ba naman ako ng mata nung umiiyak ako, nung binubunutan nya ako ng ngipin sino ba di matotrauma sa kanya diba?? kaya hanggang ngayon, takot ako pumunta sa dentista. masusulusyunan pa kaya tong mga ipin ko??:(



Parlorista - isa pa to, nakakatakot magpagupit ng buhok, paano kung pangit yung pagkagupit sa iyo di ba di na mababalik ang mga nagupit na mga buhok mo??? may mga pagkakataon na nanghinayang ako sa gupit ko. eh ano pa magagawa ko diba kundi hintayin nalang tumubo!



Interviewer - sa ngayon ito ang nagpapakaba ng damdamin ko,bakit? kasi sa lahat ng inaapplyan ko dito ako bumabagsak. di ako makapag-explain ng mabuti, nawawala ang mga sasabihin ko, namemental block ako kaya umuuwi ako ng luhaan.:|

No comments:

Post a Comment