Matanong ko lang, gaano mo ka kilala ang iyong sarili? Naisip mo ba minsan sa buhay mo na parang may mali sa'yo? O hindi naman kaya, naisip mo na sana ibang tao ka nalang kagaya ng mga personalidad na kinahahangaan mo? O kaya ninais mo bang maging iba sa kinalakihan mong sarili? Kasi ako oo.
Sabihin na natin ang mga tao ngayon ay likas na na matatalino. Ang hindi pwede sa nakakarami ay pwede na. Alam na natin na tutol ang karamihan lalo na ang simbahan sa gusto nating mangyari pero ika nga ikaw ang mas nakakaalam sa mga desisyon na gusto mong palaunin.
Ay tinatalakay ko dito ang pagkakagusto ng tao sa kapwa nya. (na kasarian) Hindi ko sinabi na di ako sang-ayon sa mga ganong relasyon kasi minsan sa buhay ko kwinestyon ko din ang kasarian ko (kung straight pa ba ako o hindi) dahil na din siguro sa naging environment ko nung ako'y nasa kolehiyo pa. Oo, nag-aral ako sa ekslusibong paaralan at normal lang yun sa amin. Sabihin na natin na naging malapit ako sa mga lesbyana, na sa kanila pag masyado na pala kayong palaging magkasama ay may relasyon na kayo. Pero sa akin, wala lang yun. Hindi ko iniisip na makipagrelasyon sa kanila. Kaya nung naputol ang komunikasyon namin ng mga ilang araw hindi sumagi sa isip ko na ang best friend ko na pala ang pinupuntirya nya. O dahil din pinakilala ko sya sa aking matalik na kaibigan at nung di pa nya kilala ang tinutukoy ko ay nakukuwento ko na sa kanya si lesbyana. Masakit pala yung ganun. Ang best friend mo ang sumalo na dapat ay sa akin. Pero dahil nga ayoko mapalapit pa sa kanya lalo pero alam ko sa sarili ko na mayroon ng kakaibang nararamdaman minarapat ko pa ding pairalin ang utak ko kaysa sa puso. Pinutol ko ang ugnayan naming tatlo. Lumipat ako ng ibang barkada dahil sa aking kaibigan. Kasi alam ko na magkakaron ng hindi pag-uunawaan kung itutuloy ko pa ang pakikipagkaibigan sa kanya. At nagtagal nga sila ng tatlong taon.
Siguro natuto lang akong makibagay sa kinaugalian kong environment, kaya ako nagkaron ng identity crisis nung nag-aaral pa ako. Pero hindi, tunay akong babae. Oo kilala ko na ang sarili ko. Gusto ko ang mga lalaki kaysa sa babae. Kahit wala pa nga lang nakakarelasyon. Oo hindi ko pa nararanasang umibig, kiligin at umiyak dahil sa pagmamahal. Pero hindi ako magsasara ng pinto para dito, mas minamabuti ko palang ayusin ang sira kong buhay, hindi na ang pagiging curious sa aking kasarian kundi ang mga natural na problema ng isang tao na mayroon sya. Yun ang trabaho, pamilya at kung anu-ano pang insecurity. Hindi ba normal lang yun?:)
No comments:
Post a Comment