Monday, June 7, 2010

Dear Blogspot,

Ako'y mawawala ng ilang linggo dahil pinapunta ako ng Ate ko sa bahay niya sa Pampanga. Ang akin lang sana mas naging supportive nalang ang aking pamilya sa akin, kasi mas pinapaburan pa nila ang buhay kong ganto, yung patambay tambay. Alam mo yun? Ako pa naman yung klase ng tao na kailangan ipagtulakan para gumalaw galaw. Yung tipong dun matetest kung gaano ako kagaling. Ganon ako eh.

Talagang nagbago na ako simula nung nag-aaral palang ako. Hindi naman ako ganto. Nawalan na ng tiwala sa sarili at mas binibigyan ng pansin ang mga taong nasa paligid. Bakit ba ako nagkaganito?? Nasimulan ko na kasi ng pangit eh, ayan tuloy mukang wala akong magagawa na matino sa buhay ko. Kung inuna ko na agad ang paghahanap ng trabaho kaysa magliwaliw, siguro hindi ako magiging ganto???

Hay naku, asa huli talaga ang pagsisisi. Magdusa ka Tinay!! Help me Lord. Guide me. Push me to be better person. I love You with all my life.:)

No comments:

Post a Comment