Monday, June 7, 2010

Tatuan Mo Ako!

Dati, nandidiri ako sa mga taong may tattoo. Ngayon, mas na-inspire ako magpalagay kasi ang mga tattoo pala may istorya behind it, kung bakit nagpalagay ang tao ng certain symbol o kahit pangalan lang nila o ng taong mahal nila.

Nung isang buwan ko lang naisipang ibahin ang aking pananaw pagdating sa tattoo. Nung napadpad ako sa
Lucban dahil sa Pahiyas Festival. Maraming nakakalat na naglalagay ng henna tattoo. Pero hindi sa mismong araw kong naisipang magkaron ng permanenteng tinta sa akin balat kundi nung mga pagkakataon na nawawalan na ako ng pag-asa para mabuhay, dahil nga naiisip ko na isa akong malas.:(

Dumating sa punto na naghahanap ako ng magandang simbolo at kung saan parte ko gusto ilagay ang magiging tattoo ko balang araw.

Kaya itong hapon, nagpasya na ako na gayahin ang tattoo ni Cristina Aguilera. Nasa may batok ang kanyang pangalan. Siguro ako din, iibahin ko lang ang font ng pangalan ko pero balak ko talagang magkaron sa aking batok.:)

Parang ganto:


Hindi ba napakaganda?? Saka na ako magpapalagay pag kaya ko nang buhayin ang sarili ko at nakakatulong na ako sa aking pamilya sa mga pang araw-araw na gastusin.:)

No comments:

Post a Comment